[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga tao, isinusulong gawaing baligtad sa kabutihan
INSPIRASYON SA BUHAY: ââŚHindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng mga mananampalatayaâŚâ (Roma 1:16, Bibliya).          Â
-ooo-
MGA TAO, ISINUSULONG GAWAING BALIGTAD SA KABUTIHAN: Mula sa Facebook: âNoong nahilingan si Rev. Joe Wright na magbigay ng panalangin upang buksan ang bagong sesyon ng Senado ng Kansas (sa Amerika, sa Estados Unidos), inasahan ng lahat na nandodoon ang isang panalanging madaling makalimutan.
âPero ito ang kanilang napakinggan: `Amang nasa langit, lumalapit kami sa iyo ngayon upang hingin ang Iyong kapatawaran at ang Iyong direksiyon at paggabay. Alam naming ang iyong Salita ay nagsasabi, `Parurusahan ang mga nagsasabing mabuti ang kasamaanâ, ngunit ito ang siyang nagaganap sa amin ngayon.
âNawala na ang aming pananampalataya, at nabaligtad na ang aming mga panuntunan sa buhay. Pinagsasamantalahan na namin ang mga mahihirap, pero tinatawag namin itong loterya. Binibigyang-pabuya namin ang katamaran, at tinatawag namin itong pagtulong sa mahihirap.
-ooo-
DISIPLINA SA KABATAAN INAALIS SA NGALAN NG âKUMPIYANSA SA MGA BATA: âPinapatay namin ang mga di pa isinilang, at sinasabi naming ito ay kalayaan sa pagpili. Pinagpapapatay namin ang mga kumikitil ng mga sanggol sa sinapupunan, at kinikilala namin itong karapat-dapat. Inalis namin ang disiplina sa mga kabataan, at tinawag namin itong pagpapatatag ng kompiyansa.
âInabuso namin ang kapangyarihan, at sinabi naming ito ay politika lamang. Pinagnanasaan namin ang mga ari-arian ng aming kapwa, at tinawag namin itong ambisyon. Sinisira namin ang himpapawid sa aming mga pagmumura at kawalang-galang, kasama na ang pornograpiya, subalit tinawag namin ang mga itong kalayaan sa pamamahayag.
âMinaliit namin ang mga magagandang aral ng aming mga ninuno, at kinilala namin itong kaliwanagan. Saliksikin Mo kami, O Diyos, at alamin Mo ang aming mga puso. Linisin Mo kami mula lahat ng kasalanan, at kamiây Iyong palayaain. Amen!…
-ooo-
PANALANGING BUMALIK ANG MGA TAO SA DIYOS: âNaging mabilis ang tugon sa panalanging ito. Marami sa mga mambabatas ang agad na nag-uwian bilang protesta. Sa loob lamang ng anim na linggo, nakapagtala ang Central Christian Church (kung saan pastor si Rev. Wright) ng halos 5,000 tawag sa telepono, kung saan 47 lamang doon ang bumabatikos.
âNakakatanggap na ngayon ang simbahang iyon ng mga kahilingan mula sa India, Africa at Korea para sa kopya ng panalangin. Ipinarinig ng brodkaster na si Paul Harvey ang panalanging ito sa kanyang programa sa radyo, at dinagsa siya ng napakaraming reaksiyon, na higit na mas madami ang bilang kaysa sa mga nauna niyang pagsasahimpapawid.
âSa tulong ng Panginoon, nawaây kumalat ang panalanging ito sa ating bansa, upang tunay tayong makilala bilang isang bansa sa pangangalaga ng DiyosââŚâ
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]