KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga misterio ng Pasko: alam ba ninyo ito?

INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Ano ang inyong nalalaman ukol sa Mesias? Kaninong anak ba siya?’ `Anak ni David,’ tugon nila…” (Mateo 22:42, Bibliya).

-ooo-

MGA MISTERIO NG PASKO, ALAM BA NINYO ITO? May isang misterio ng Pasko na dapat sagutin ang mga nananampalataya kay Kristo: bakit ba sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay mula sa lahi ni Haring David at Abraham, samantalang  maliwanag naman na di Siya “pisikal” na nagmula mula sa kanila?

Si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, ay direktang nagmula sa Diyos, gaya ng sinasabi ng Isaias 7:14 at 9:6, at ng Mateo 1:18-25, at maging ng Juan 1:1-14. Hindi siya binhi, kumbaga, ni Jose, ang asawa ni Maria.

Ayon sa Lucas 1, Siya ay ipinaglihi batay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. So, ang tanong: nagkamali ba ang Bibliya sa pagsasabi nitong si Jesus ay nagmula sa lahi nina David at Abraham?

-ooo-

SI JESUS, IPINATALA NI JOSE NA KANYANG ANAK: Well, hindi po nagkamali ang Bibliya sa isyung ito. Tunay nga, kahit na si Jesus ay direktang nanggaling sa Diyos, at di Siya “pisikal” na nagmula sa lahi ni David at Abraham, naging bahagi naman siya ng nasabing lahi, bilang katuparan ng mga pahayag sa Aklat ng Kasulatan.

Papaanong nangyari ito? Ang sagot ay makikita sa Lucas 2 ng Bibliya, sa kuwento ng isang census o pagpapatala ng mga mamamayan ng Roma. Ganito po ang kuwento: “Noong mga panahong iyon, nag-utos si Caesar Augustus na magkaroon ng pagpapatala ang lahat ng mga naninirahan sa Roma… At ang lahat ay nagbalik sa kanilang mga bayan upang sumunod.

“Kaya’t itong si Jose ay nagtungo sa bayan ng Nazareth sa Galilea sa Judea, sa Bethlehem na bayan ni David, sapagkat bahagi siya ng sambahayan at ng lahi ni David. Doon, siya ay nagpatala kasama ni Maria, na nakatakdang ikasal sa kanya at noon ay nagdadalang-tao na.

-ooo-

TAMA KUNG GANOON NA GALING SI JESUS SA LAHI NI DAVID: “Habang sila ay nagpapalata, dumating ang panahon upang isilang ang sanggol. Isinilang ni Maria ang kanyang panganay, isang lalaki. Binalot niya ito ng mga damit at inilagay sa sabsaban, sapagkat wala silang matuluyang bahay…”

Ano ang ipinakikita ng kuwentong ito? Na, bagamat di pisikal na nagmula si Jesus mula kay Jose, ang asawa ni Maria (at, dahil diyan, ay di Siya maituturing na nagmula sa lahi ni Haring David at Abraham), Siya naman ay naisama o di kaya ay “inampon” ng nasabing lahi, dahil pagpapatala sa Kanya ni Jesos sa census o talaan na ipinag-utos ni Caesar Augustus.

Batay sa pangyayaring ito ng tao, nagkaroon ng katuparan ang Aklat ng Kautusan: na ang Mesias ay manggagaling sa lahi ni Abraham at Haring David at, dahil diyan, mula kay Adan, ang unang lalaki. Ang pagtalima ni Jose sa talaan, at ang kanyang pagpapatala kay Maria bilang kanyang asawa at kay Jesus bilang kanyang anak, ang nagpatibay sa pagkakasama ni Jesus sa lahi ng mga tao, gaya ng sinabi ng Bibliya.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here