[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga pantas ang dumalaw kay Jesus, hindi mga hari
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, `Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya’t naparito kami upang siya’y sambahinââŚâ (Mateo 2: 1-2, Bibliya).
-ooo-
MISTERIO NG PASKO III: MGA PANTAS ANG DUMALAW, HINDI MGA HARI: Isa sa mga mahahalagang bahagi ng Pasko ay ang kuwento ukol sa sinasabing mga âpantas mula sa Silanganâ na tumungo sa Bethlehem noong kasisilang pa lamang ni Jesus. Ano ang dahilan at bakit tinungo ng mga pantas na ito si Jesus, bagamat galing pa sila sa malayo?
Maliwanag mula sa Bibliya na ang mga pantas ito ay hindi mga mananampalataya. Hindi din sila mula sa Israel, mula sila sa Silangan. At lalong hindi sila âtatlong hariâ, gaya ng sinasabi ng iba. Hindi din natin alam ang kanilang mga pangalan, kaya walang batayan ang pagsasabing sila ay sina Melchor, Gaspar, at Baltazar.
Ayon sa mga isinulat ng mga nagsasaliksik sa mga bagay na ito, ang mga pantas na ito ay hindi ordinaryong mga tao, bagkus ay marurunong sila sa larangan ng pag-aaral ng mga tanda sa langit, lalo na ng mga bituwin. Lumilitaw na batay sa kanilang mga pag-aaral sa mga tandang ito, napag-alaman nila na isinilang na sa Israel ang âhari ng mga Judioâ, at minarapat nilang tunguhin ito.
-ooo-
BAKIT DINALAW SI JESUS NG MGA PANTAS? Sa aking pananaw, may mga nais ipakita ang pagdalaw na ito ng mga pantas kay Jesus. Una, kinikilala si Jesus bilang âhariâ ng mga Judio. Pero, maliwanag na hindi ordinaryong hari lamang si Jesus. âHariâ Siya hindi lamang ng mga Judio o ng mga Israelita, kundi maging ng mga tao sa malalayong mga lugar, gaya ng mga pantas.
Ang kanyang pagsilang ay ipinahayag hindi na lamang ng mga propeta ng Diyos sa Israel, kundi ng mga marurunong na tao mula sa ibang mga bansa, gaya ng mga pantas na naglakbay ng malayo upang dumalaw sa Kanya.
Kung atin ding papansinin, makikita nating ang mga pantas na ito ay naghandog kay Jesus. Hindi ordinaryo ang mga kaloob na ito ng mga pantas—ginto, insenso, at mira—na nagbabadya na dakila ang kanilang pinagkakalooban.
-ooo-
MGA PANTAS, NAGPATOTOO NA SI JESUS ANG DIYOS: Higit sa lahat, masasabi natin na ang pagdalaw ng mga pantas kay Jesus ay pagpapatotoo na Siya ang Diyos na bumaba mula sa langit, tumungo sa lupa sa anyo ng tao, may laman at dugo, at tinanggap ang parusang nakalaan para sa mga makasalanan. Una, ang pagkilos ng mga pantas ay batay sa kanilang pag-aaral ng mga tanda sa langit, na maliwanag na pagpapahayag mula sa Diyos mismo.
Pangalawa, ginabayan ang mga pantas sa kanilang paglalakbay upang tunguhin si Jesus ng isang bituwin. Makikita nating hindi aksidente ang paggabay na ito ng bituwin sa kanila, sa dahilang wala namang taong makakapagpakilos sa isang bituwin. Ang Diyos lamang ang may kakayahang gawin ito.
Pangatlo, ang kanilang paghahanap kay Jesus ay bunga ng kanilang pagnanais na Siya ay sambahin. Hindi sinabi sa Bibliya kung bakit nila sinamba si Jesus ng makita nila ito, pero noon at ngayon, ang pagsamba ay iniuukol lamang sa Diyos. Kung pagsamba ang layunin ng mga pantas sa pagtungo kay Jesus, ibig sabihin nito ay kinilala nila si Jesus na Siya ang Diyos.
Â
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]