KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Diwa ng Pasko: pinagpala ang mga nagtitiwala sa Diyos

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ngunit ang lahat ng ito ay isinulat upang kayo ay manampalataya na si Jesus ang Mesias, ang Anak ng Diyos at, batay sa pananampalatayang ito, magkakaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan…” (Juan 20:31, Bibliya).

-ooo-

MGA LINGKOD NG DIYOS, HANDANG GUMANAP NG MGA GAWAIN: Naririto po ang paglalahad sa Bibliya ng dalawang pangyayaring siya na ngayong batayan ng mga Kristiyano sa pagdiriwang ng Pasko. Ang una ay matatagpuan sa Lukas 1:26 hanggang 38, sa Bagong Tipan.

Sa mga bersikulong ito, makikita natin ang Anghel na si Gabriel “na nakatayo sa harapan ng Diyos” na nagtungo kay Maria, isang birheng nakatakda ng ikasal sa isang lalaking ang pangalan ay Jose, isang apo ni Haring David.

Sinabihan ni Gabriel si Maria na siya ay kalugod-lugod sa Diyos, at ang Diyos ay sumasakanya, at dahil diyan, si Maria ay maglilihi at magiging ina ng isang batang lalaki, na ang pangalan ay Jesus, at tatawaging “Anak ng Kataas-taasan” at siyang mamumuno ng kaharian ni David.

Hindi makapaniwala si Maria, na nagtanong kung papaanong magaganap ang mga sinabi sa kanya gayong wala naman siyang asawa. Ayon kay Gabriel, ang Espiritu Santo ay bababa sa kanya at siya ay lulukuban upang ang “banal na isisilang ay tatawaging Anak ng Diyos.”

Matapos noon, nagsabi ang anghel kay Maria: “Walang imposible sa Diyos.” Sa kanyang sagot, sinabi naman ni Maria: “Ako ay lingkod ng Diyos, maganap nawa sa akin kagaya ng sinabi mo.”

-ooo-

DIWA NG PASKO: PINAGPALA ANG MGA NAGTITIWALA SA DIYOS: Ang pangalawang pangyayari ukol sa Pasko ay ang ginawang pagbisita ni Maria, ang Birheng Ina ni Jesus, sa kanyang matanda at baog na pinsang si Elizabeth, asawa ni Zacarias, matapos ang pagdalaw ng Anghel na si Gabriel kay Maria.

Ang kuwentong ito ay isinasalaysay ng Lucas 1:39 hanggang 45 ng Bibliya, at dito ay makikita natin na kasabay ng pagdating ni Maria sa bahay ni Elizabeth at Zacarias, ang sanggol na ipinagbubuntis ni Elizabeth ay lumukso sa sinapupunan, at sila ay napuspos ng Espiritu Santo.

Dahil doon, napahiyaw sa tuwa si Elizabeth at nagsabi kay Maria: “Pinagpala ka sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang anak na iyong isisilang mula sa iyong sinapupunan”, na kumukumpirma sa sa katayuan ni Maria bilang pinagpala ng Diyos at sa katayuan bilang banal ng kanyang magiging anak.

Matapos doon, pinatunayan ni Elizabeth ang pagpapala sa mga taong naniniwala sa Diyos sa pagsasabi kay Maria: “Pinagpala ang taong naniniwala na ang sinabi sa kanya ng Diyos ay magaganap…”

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here