[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”][/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Merry pa ba ang Christmas 2017 ng Pinoy?
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Kaya’t muling sinabi ni Jesus, `Pakatandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa⌠Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubosâ…â (Juan 10:7, 10, Bibliya).
-ooo-
MERRY PA BA ANG CHRISTMAS 2017 NG PINOY? Makakabati pa ba ng Merry Christmas at Happy New Year ang mga Pilipino sa harap ng mga kalamidad at mga trahedyang kinakaharap nila ngayong 2017? Aba eh, nandiyan ang mga nagkakamatayan dahil sa mga bagyong nagdadatingan kahit Disyembre na, at nandiyan din ang mga nagkakamatayan sa mga karumal-dumal na paraan sa ibaât ibang lugar sa bansa.
Tapos, lutang na lutang din ang maliwanag na kasamaan na sa pag-uugali at bulok na karakter ng marami nating mga kababayan, gaya ng insidente ng sampalan sa maliit na away lamang sa trapiko na sinasabing ginawa daw isang babae sa gitna pa ng mataong lansangan.
At hindi din nagpapahuli sa gulo ang ilang opisyales ng gobyerno, gaya ng pinakahuling bangayan sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ukol naman sa ilegal na operasyon daw ng small town lottery. Nakikipag-agawan din ng pansin ang gulo sa pagpayag ng Pangulong Duterte sa pagpapakasal ng lalaki sa lalaki at babae sa babae sa Pilipinas.
-ooo-
KINABUKASAN NG MARAMI SA RP, MADILIM PA DIN: Isama na natin dito ang bakbakan ngayon ng ilang grupo at mga personalidad ukol sa pagtaas ng mga bilihin sa paparating na bagong taon, bunga ng ipinasang tax reform law. So ang tanong, masasabi ba nating magiging maligaya pa din ba ang Pasko 2017 at magiging masagana pa din ba ang pagpasok ng 2018 sa Pilipinas?
Kung ako ang tatanungin, malaki ang problema ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa papasok na taon. Sa totoo lang, sa kabila ng mabalasik na kampanya kontra sa ilegal na droga at shabu ng gobyernong Duterte, hindi maitatatwang nananatili pa din ang malawak na kalakalan sa droga, dahilan upang patuloy na madilim ang bukas para sa marami nating mga kababayan.
Tunay nga, kung may napapatay mang mga nagtutulak ng droga, may mga humahalili din naman, at kung paniniwalaan natin ang mga kumakalat na balita, mukhang mas mababangis pa ang mga bagong nagpapatakbo ng mga sindikato sa shabu at ipinagbabawal na gamot. Kaya naman, tila wala ding ipinagbago halos ang Pilipinas sa isyu ng talamak na droga sa bansa sa kasalukuyan.
-ooo-
PILIPINO, WALANG TIGIL ANG DAUSDOS SA KASAMAAN: Samahan pa ang mga problemang ito sa droga ng tila wala ng katapusang pagdausdos ng mga Pilipino sa pansarili nilang kasamaan—sa pag-uugali, sa karakter, sa personal na katayuan o sa opisyal na puwesto—lilitaw na wala ding nakamit na pagbabago ang bansa at ang sambayanan sa pagpasok—at napipintong pag-alis, matapos ang anim na taon—ng gobyernong Duterte.
May solusyon pa ba? Meron, pero mabigat na pagkilos ang kailangan, umpisa ngayong Pasko 2017. Sa mga tunay na mananampalataya ng Diyos na gugunitain minsan pa ang Kanyang pagsilang sa anyo ng tao ngayong 2017, mag-umpisa tayo ng tunay na pagbabago. Yung hindi nakasandal sa isang tao o isang grupo, kundi sa Diyos. Una nating baguhin ang takbo ng ating mga isip.
Ang isip kasi ang unang sinasalakay ng diyablo o ng kasamaan, lalo na ang isip ng mga walang kaalaman sa Salita at mga utos ng Diyos. Upang mapaglabanan natin ang pagpasok ng diyablo sa ating mga sarili, punuin natin ang ating mga isip ng mga Salita ng Diyos sa Bibliya (o sa iba pang banal na aklat ng ibang relihiyon), at magsumikap tayong tuparin ang mga Salita ng Diyos. Â Tiyak, magbabago po ang buhay natin!
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com.
[/av_textblock]
[/av_one_full]