[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Easy lang sa pagsasalita, Harry Roque!
INSPIRASYON SA BUHAY: “… kung hindi kayo magpapakatatag sa inyong pananampalataya sa Diyos, wala kayong katatagan sa anumang bahagi ng inyong buhay…” (Isaias 7:9, Bibliya).
-ooo-
EASY LANG SA PAGSASALITA, HARRY ROQUE! Sana naman, sa pagtatapos ng taong 2017, matututo na ang ilang mga matataas na opisyales ng gobyernong Duterte na maging lalong maingat sa kanilang mga binibitiwang salita sa publiko, dahil mahalaga ang kanilang mga sinasabi sa maayos na pagtakbo ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Ang partikular na tinutukoy ko dito ay si Presidential Spokesman Harry Roque, isang napakatalino at napakahusay na abogado, at ngayon, isang mahusay na pulitiko ng bansa na pupuwedeng maka-abot pa sa mas matataas na posisyon sa pamahalaan kung hindi siya makakagawa ng makakadiskaril sa kanyang career sa pulitika.
Sa kanyang pahayag ukol kay dating Customs Commissioner Nick Faeldon—na puwede naman itong magtrabaho sa bagong posisyon nito sa Office of Civil Defense kahit ito ay nakakulong—baka gamitin itong batayan ng iba pang mga nakakulong na opisyales sa ngayon upang sila man ay mapahintulutang gumanap ng mga tungkulin kahit sila ay nasa piitan, di ba Sen. Leila De Lima? Easy lang, Harry!
-ooo-
MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (III): Kapag ang isang tao ay inaaresto, iniimbitahan, o iniimbestigahan, ng mga autoridad—pulis, sundalo, o iba pang law enforcement officers—karapatan nilang malaman ang mga pupuwede nilang gawin, sa umpisa pa lamang ng pagkakahuli sa kanila. Makikita ang mga ito sa Republic Act 7438, na may bisa noon pang 1992.
Batay sa Section 2 (b) ng batas na ito, tungkulin ng mga autoridad na ipaunawa sa kanilang mga inaaresto, iniimbitahan, o iniimbestigahan na karapatan nilang mabigyan ng abogado sa umpisa pa lamang na sila ay maaresto, manahimik at huwag puwersahing aamin, at, kung hindi nila
kayang kumuha ng abogado, bibigyan sila ng libreng abogado.
May tungkulin ang mga autoridad, sa pagpapaliwanag ng mga karapatang ito ng mga taong kanilang inaaresto, iniimbitahan, o iniimbestigahan, na gumamit ng salitang nauunawaan at naiintindihan ng lubos ng mga taong ito. Maliwanag ding kailangang tiyakin ng mga authoridad na lubos na nauunawaan ang mga karapatang ito ng mga inaaresto nila.
-ooo-
BAKIT MARAMI NG BATA ANG MASAMA ANG UGALI NGAYON? (III): Sa pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ng mga kautusan ng Diyos, kailangang ipaunawa nila na ang takbo ng buhay sa daigdig na ito ay nahahati lamang sa dalawa—katagumpayan, o kabiguan. Dapat malaman ng mga bata na ang katagumpayan o kabiguan ay nakasalalay lamang sa pagsunod o pagsuway sa mga utos ng Diyos na nasa Bibliya.
Kung ang mga bata ay tumutupad sa mga kautusan ng Diyos, tagumpay ang tiyak nilang kakamtin, anuman ang kanilang gagawin, layunin, o ambisyon sa buhay. Malalayo sila sa kapahamakan o kapariwaraan sa kanilang pang-araw-araw na buhay kung sila ay tapat na sumusunod sa mga utos ng Diyos.
Sa kabilang dako, kung ang mga bata ay hindi nakakaalam at, dahil diyan, hindi nakakasunod sa mga utos ng Diyos, mabibigo sila sa lahat ng kanilang naisin, o layunin. Wala silang maasahang tagumpay, at tiyak pa ang kanilang kapariwaraan. Ang buhay nila ay magiging isang sumpa, na ang dulot ay kahirapan, kaguluhan, at kabiguan.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]