KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga reglamento, sinunod ng CA sa kaso ni Ex-Gov. Reyes

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.  Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.  Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon…” (Efeso 5:15-17, Bibliya).

-ooo-

MGA REGLAMENTO, SINUNOD NG CA SA KASO NI EX-GOV. REYES: Sa ingay na nililikha sa ngayon ng ginawang pagpapalaya ng Court of Appeals kay dating Palawan Gov. Joel Reyes mula sa kulungan matapos itong maabsuwelto sa kasong pagpatay kay dating broadcaster Gerry Ortega, di maiiwasang isipin ng marami na nagkaroon ng “milagro” sa usapin.

Pero, sa totoo lang, batay sa mga naglilitawang ulat sa mga pahayagan, makikita namang nasunod ang mga reglamentong itinatakda ng batas ukol sa pagpapalabas ng mga desisyon ng mga hukumang mayroong higit sa isang hukom ang nagpapasya. Una, maliwanag na nagkaroon ng talakayan sa kaso ni Reyes bago nagpasya ang mga justices.

Pangalawa, mayorya (o tatlo sa lima) sa mga justices ng Court of Appeals na tumalakay sa kaso ang pabor sa pagpapalaya kay Reyes. Pangatlo, ang pasyang pumabor sa dating gobernador ay batay din naman sa mga umiiral na batas. Pang-apat, may mga remedyo pa namang puwedeng gawin ang mga kontra sa naging pasya. Suma total: igalang ang pasya sa kaso ni Reyes, hanggang di ito binabaligtad!

-ooo-

MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (VIII): Ang isa sa kadalasang taktika ng mga pulis matapos mang-aresto ang mga ito ng suspek sa krimen ay ang pagpapapirma ng tinatawag na “waiver” sa mga nahuling suspek,  na siyang dahilan upang maikulong nila ang nasabing nahuli ng higit sa mga oras na nakatakda sa Art. 125 ng Revised Penal Code.

Ayon sa Art. 125, maaaring ikulong ng mga pulis ang isang tao ng 12 oras (sa mga maliliit na kaso lamang), 18 oras (sa mga kasong ang parusa ay pagkakakulong hanggang anim na taon), at 36 na oras (sa mga kasong ang parusa ay hanggang habambuhay na pagkakabilanggo).

Ayon sa Section 2 (e) ng Republic Act 7438, ang ganitong waiver ay walang bisa at hindi pupuwedeng maging batayan ng pulis upang panatiliin ang kulong ng inarestong suspek sa panahong lagpas sa nakalagay sa Art. 125, kung walang abogado ang suspek noong kanyang lagdaan ang waiver.

-ooo-

MGA KUWENTO UKOL SA PAGBABA NG DIYOS MULA SA LANGIT SA ANYO NG TAO (II): Ang isa sa mga pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang pagbaba dito sa lupa mula sa langit, sa anyo ng tao na may laman at dugo, ay matatagpuan sa Isaias 7 at 9 ng Bibliya. Sa kuwento ng Isaias 7 at 9, ipinakikita doon ang pasya ng Diyos upang Siya ay “ipaglihi” at “isilang” bilang sanggol.

Ginawa ng Diyos ang pagpapahayag na ito bilang pagbibigay-katiyakan ng Kanyang proteksiyon sa Kanyang sambayanang nananampalataya sa Kanya. Makikita natin na nagpahayag ang Diyos ng Kanyang pagtungo sa daigdig sa anyo ng tao, upang alisin sa kanila ang takot na ibinigay ng balak na pagsalakay ng kanilang mga kalaban.

Ninais ng Diyos na maging matindi ang pananampalataya sa Kanya ng mga tao kaya’t nagpahayag Siya na Siya mismo ang magiging tanda ng katatagan ng tao—ang mga mananampalataya sa Kanya ay mapapagtagumpayan ang lahat ng mga problemang darating sa kanilang mga buhay.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com./PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here