KAKAMPI MO ANG BATAS Ni Atty.

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Pasko dapat ipagdiwang dahil kay Jesus

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Tinawag nga ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanila, `Pumili kayo ng isang tupa para sa inyong sari-sariling pamilya at katayin ninyo ito para sa Paskwa’…” (Exodo 12:21, Bibliya).

-ooo-

PASKO DAPAT IPAGDIWANG DAHIL KAY JESUS: Sa mundong ginagalawan ngayon ng mga nananampalataya sa Diyos, marami na ang nagpapahayag na di dapat ipinagdiriwang ang Pasko, o ang paggunita ng pagdating ng Diyos na ang Pangalan ay Jesus sa mundo, sa anyo ng tao may laman at dugo, sa maraming kadahilanan.

Sabi ng iba, ang Pasko ay para lamang sa mayayaman at may pera, kaya’t na-i-stress lamang daw ang mga mahihirap sa pagdiriwang na ito na isinagawa tuwing Disyembre ng bawat taon. Sabi naman ng iba pa, wala naman daw katiyakan na Disyembre nga ang naging “pagsilang” ni Jesus, lalo pa’t iisipin na imposibleng sa Disyembre, na buwan ng taglamig sa Bethlehem, ang “pagsilang” na ito.

Ano po ang katotohanan dito? Well, sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), maliwanag po ang dahilan ng paggunita ng Pasko taon-taon. Ito ay upang alalahanin at, higit sa lahat, ipagpasalamat, ang pagliligtas sa atin ng Diyos na ang Pangalan ay Jesus mula sa kasalanang magdadala sana sa atin sa impiyerno ng uod at apoy. Kung hindi bumaba si Jesus mula sa langit at dumating sa lupa noong unang Pasko, impiyerno sana ang tuloy nating lahat.

-ooo-

MGA PAGDIRIWANG UKOL SA DIYOS, IPINAG-UUTOS NG BIBLIYA: Kung babasahing mabuti ang Bibliya, makikita po natin na ang paggunita at pagdiriwang sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos—sa Kanyang anyo bilang Ama, Anak, at Espiritu Santo—ay ipinag-uutos ng Diyos mismo sa mga tunay na sumasampalataya sa Kanya.

Ang paggunitang ito ng mga naunang mananampalataya ay hindi na lamang para sa kasiyahang pansarili, lalo na’t grabe ang handang mga pagkain noon, kundi para na din sa katatagang pang-espirituwal, upang lalong mapalapit ang mga mananampalataya noon sa Diyos.

Ipinapaaala kasi sa mga paggunitang ito ang ginawang pagliligtas din ng Diyos sa mga naunang mananampalataya mula sa mga kapahamakang dulot ng kanilang mga kaaway, gaya ng pagka-alipin nila ng 400 taon sa Egipto, o ng kalikasan, tulad ng taggutom na tatama ng pitong taon sa mga Israelita sa panahon ni Jose na anak ni Jacob o Israel.

-ooo-

LISTAHAN NG MGA PAGDIRIWANG SA BIBLIYA: Sa totoo lang, may pitong mahahalagang mga paggunitang idinadaan sa marangyang mga kapistahan o pagtitipon sa Bibliya, sa kanyang Lumang Tipan. Ito ay ang mga kapistahan ng Passover (o Paskwa), Unleavened Bread (o tinapay na walang pampa-alsa), Firstfruits (unang bunga), Feast of Weeks (Pentecost), Feast of Trumpets, Day of Atonement, at Feast of Booths (Tabernacles or Ingathering).

Wala po tayong panahon at espasyo ngayon sa kolum na ito upang talakayin ng mas detalyado kung ano ang mga pagdiriwang na ito, pero ang layunin ko lamang po ay ipakita sa lahat na ang paggunita ng mga bagay na may kinalaman sa kabutihan at pagliligtas ng Diyos na ang Pangalan ay Jesus ay di lamang kaugalian, kundi kautusang dapat tinutupad ng lahat.

Ganoon ang kategorya ng Pasko. Sa mga tunay na nananampalataya na ang Diyos mismo ang bumaba mula sa langit tumungo sa lupa sa anyo ng tao, may laman at dugo at may Pangalang Jesus at tinanggap ang parusang laan sa ating mga kasalanan, dapat po tayong magdiwang pag sumasapit ang Pasko, dahil kinikilala natin ang pagliligtas naito ng Diyos sa atin.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here