Kalokohan lang pala ang jueteng

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Kalokohan lang pala ang jueteng’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 13, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang pag-ibig ay hindi natutuwa sa masama, sa halip, ito ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas…” (1 Corinto 13:6-7, Bibliya).

-ooo-

KALOKOHAN LANG PALA ANG JUETENG: Sana’y makarating ito sa milyon-milyong Pilipino na patuloy pa ding tumataya sa jueteng sa kasalukuyan: kalokohan lang pala ang jueteng, at ang tunay palang ibig sabihin ng “bola ng jueteng” ay binobola lamang ng mga jueteng lords o yung mga nagpapatakbo ng jueteng ang mga mananaya, kasi sila ang nagdidikta kung anong numero ang pahihintulutan nilang manalo.

Ayon sa pahayag ng isang dating mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang pagharap sa Senado noong Lunes, Pebrero 12, 2018, wala palang tunay na bola o yung paggamit ng mga bolitas na may numero sa pagpapahayag ng kung anong mga numero ang lumabas at nanalo.

Kung makikita pala ng mga jueteng operators na marami ang tumaya sa isang partikular na kumbinasyon ng dalawang numero, wala ng pag-asa pang lumabas ang naturang kombinasyon. Kasi nga, hindi na palalabasin pa ito ng mga jueteng lords. Batay sa hearing sa Senado noong Lunes, talagang niloloko lang pala ng mga jueteng operators ang kanilang mga mananaya.

-ooo-

STL, FRONT SA JUETENG NG MGA JUETENG LORDS: Matindi din ang ilan pang mga impormasyong pinakawalan ng opisyal ng PNP sa kanyang pagharap sa Senado. Isa dito ay ang katotohanang ang STL o “small town lottery” draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagagamit pala sa pamamayagpag ng jueteng. Ang STL ay itinatag sa bansa ilang taon na ang nakakaraan sa layuning mapahinto ang jueteng.

Ang problema, ang mga perang nakokolekta ng mga STL collectors ay di pala lahat napupunta sa gobyerno sa pamamagitan ng PCSO. Halos 20 porsiyento lamang pala ng STL collections sa araw-araw ang ibinibigay ng mga STL operators sa PCSO. Ang 80 porsiyento sa lahat ng perang koleksiyon ng STL ay napupunta sa jueteng lords.

Paanong nangyayari ito? Ganito pala yun: ang STL ay pinatatakbo din ng mga kilalang personalidad sa jueteng sa Pilipinas. Kinilala ang isa dito na si Rodolfo “Bong” Pineda, ang matagal ng kilala bilang jueteng operator sa buong bansa na asawa ng gobernador at bise gobernador ng Pampanga.

-ooo-

BAKIT PUMAYAG ANG PCSO NA JUETENG LORDS DIN ANG MAY HAWAK NG STL? Ito palang si Bong ang may kontrol ng STL sa mga malalaking lalawigan sa Pilipinas, kasama na ang Camarines Sur, ang mga sakop sa Central Luzon, at sa iba pang mga lugar kung saan namamayagpag din ang jueteng. Ang impormasyong ito, ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ay maliwwanag na paglabag sa layuning ang STL ay ibigay sa iba pang mga negosyante.

Ayon din sa hearing sa Senado, sa Camarines Sur palang, tumatabo na ng P5 milyon araw-araw ang pinagsamang operasyon ng STL at jueteng. Pero sa ulat na nagmumula sa PCSO, lumilitaw na P61 milyon lamang bawat buwan ang pumapasok sa kanya mula sa STL—na ang ibig sabihin, wala pang dalawang milyong piso bawat araw ang kita ng gobyerno mula sa STL.

Ang tanong noong Lunes: bakit pinahihintulutan ng PCSO ang ganitong sistema, o ang lantarang pagkalugi ng gobyerno sa kamay ng mga jueteng lords na siya ding STL operators? Aba eh, maliwanag ang sagot dito, kahit sa isang kutserong gusgusin lamang: may nakikinabang sa perang hindi napapasakamay ng PCSO at ng gobyerno, mula mismo sa PCSO. Sino kaya ang mga ito?

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here