[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Kalutasan sa Dengvaxia: bakunahan na ang mga sangkot’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 6, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 8:32, Biliya).
-ooo-
KALUTASAN SA DENGVAXIA: BAKUNAHAN NA ANG MGA SANGKOT: Sa mga nagkokontra-kontrang pahayag sa ngayon ukol sa P3.5 bilyong pisong eskandalo sa Dengvaxia dengue vaccine na kinikilang nakapatay na ng ilang mga batang naturukan nito, iisa lang ang kalutasang nakikita kong makakapagpakalma sa matinding pag-aalala ng daang-libong mga magulang ng mga batang naturukan ng gamot na ito.
Marapat lamang na pabakunahan na rin agad ang lahat ng mga opisyales ng Sanofi, ng Food and Drugs Administration, Department of Health, at ng iba pang mga ahensiya o kompanya, gaya ng Department of Budget at Malacanang, na nagbigay ng pahintulot upang gamitin na ang Dengvaxia bagamat hindi pa kumpirmado na ito ay ligtas at epektibo. Isama na din sa babakunahan pati na ang kanilang mga anak at pamilya.
Ang pagbabakunang ito sa mga nasabing opisyales at mga anak at pamilya nila ay dapat gawin sa harap television cameras, at sa harap ng iba’t ibang mga kinatawan ng radyo, diyaryo, at mga magasin, at sa ilalim ng masusing obserbasyon ng mga duktor, ng mga mambabatas, at ng mga magulang ng mga naturukang bata.
-ooo-
KUNG WALANG BAKUNA SA MGA SANGKOT, ALAM NGA NILANG DELIKADO NGA ANG DENGVAXIA: Kung di sila magpapabakuna, maliwanag na maging sila ay di naniniwala sa Dengvaxia. Kung hindi sila magpapabakuna, maliwanag na alam nilang may panganib ang nasabing gamot. Magiging maliwanag din ang dahilan kung bakit, sa kabila ng alam nilang may panganib ang Dengvaxia, minadali pa din nila itong mabili ng noon ay gobyernong Noynoy Aquino.
Oo naman at wala ng gustong umamin pa kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nakuha ng gobyerno noon ni Noynoy Aquino na maglabas ng humigit-kumulang sa P3.5 bilyong piso para ipambili sa Dengvaxia, gayong wala naman itong nakalaang pondo sa General Appropriations Act, o yung batas ukol sa gastusin ng gobyerno para sa isang partikular na taon.
Pero, hindi naman lahat ng mga Pilipino ay tanga, at hindi maiisip kung bakit sa kabila ng hindi pa kumpleto sa Pilipinas ang mga pagsusuri upang matiyak na ligtas at mabisa nga ang Dengvaxia sa mga batang Pilipino, ipinagpilitan pa din ito ng gobyerno ni Noynoy Aquino. Tanga na lamang ang mga Pilipinong hindi magdududa na mayroong matinding biyaya mula sa Dengvaxia para sa kanila kaya sila nagpumilit gamitin na ang gamot.
-ooo-
PROBLEMA NG MGA TANONG NI REP. MARCOLETA: Nakikiisa ako sa pagnanais ni party list Rep. Rodante Marcoleta na makakuha ng tuwirang pagsang-ayon mula sa kinatawan ng Sanofi na humarap sa Kamara de Representantes noong Lunes, Pebrero 05, 2018, na magsasabing ikokonsidera pa din ng nasabing kompanya ang pagsosoli ng kabuuang pera na ibinayad sa kanya ng gobyernong Pilipino para sa gamot.
Pero, sa totoo lang, kahit na isang ordinaryong tao lamang ang sasagot sa mga tanong ni Marcoleta, hindi ito tutugon ayon sa nais ng kinatawan. Una, pag sinabi nga naman ng Sanofi representative na ikokonsidera pa din nito na mag-refund ng ibinayad sa kanila, lilitaw na umaamin nga silang may depekto ang Dengvaxia—bagay na tinatanggihan nila ng matindi sa ngayon.
Pangalawa, ipagpalagay ng sabihin nga ng kinatawan sa harap ng mga mambabatas na ang Sanofi ay magre-refund, hindi ito magagamit laban sa kompanya, kasi ang pasyang mag-refund ay para sa lamang sa board of directors nito, hindi sa iisang opisyal lamang. Tuloy madami ang nagsabi, maraming oras ang sinayang lamang ni Marcoleta sa pagtatanong ng wala naman siyang nakuhang pakinabang.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]