[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Kuwait OFW ban: ‘tanda ng kabiguan ng gobyerno’ ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 14, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos, at hindi kayo susunod sa Kanyang mga utos… mapapasainyo ang lahat ng mga sumpang ito… Ang inyong mga anak ay kitang-kita ninyong ibibigay sa ibang mga bansa, at mamumuti ang inyong mga mata sa pag-aalala sa kanila, ngunit wala kayong maitutulong sa kanila sa sandali ng kapighatian…” (Deuteronomio 28:15, 32, Bibliya).
-ooo-
PANAWAGAN SA PROV’L. PROSECUTOR NG BATANGAS: May malaking problemang kinakaharap ang Office of the Provincial Prosecutor ng lalawigan ng Batangas, sa kabiguan nitong magtalaga ng isang bagong prosecutor na hahawak sa mga maseselang kasong kriminal na nililitis sa Branch 01 ng Regional Trial Court (RTC) sa Batangas City.
Bagamat mahigit na kasing isang buwan ang nakalilipas mula noong ang dating prosecutor doon, si Bb. Catherine Marino Monsod, ay mailipat bilang bagong judge sa bagong tatag na Family Court sa Mamburao, Occidental Mindoro, wala pa ding ipinapalit na bagong prosecutor sa Branch 01, kaya naman halos nanggagalaiti na sa galit ang mga may kasong kriminal sa nasabing hukuman.
Kasi naman, dahil walang prosecutor, hindi matuloy-tuloy ang mga hearing, ayon sa hukom na nakatalaga sa RTC Branch 01, si Judge Florencio Arellano (isa ding dating prosecutor na naitalagang hukom). Nagbabala si Judge Arellano sa Office of the Provincial Prosecutor na pag nagreklamo ang mga apektadong litigante sa Office of the President, makatikim tiyak di lamang ng masasakit na salita mula sa Pangulong Duterte ang prosecutor, kundi ng mas matitindi pang kastigo.
-ooo-
KUWAIT DEPLOYMENT BAN: TANDA NG KABIGUAN NG GOBYERNO SA ISYU NG OFWs: Mahusay bang solusyon ang total deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa panggigipit, pangma-maltrato, at pagpatay ng mga OFWs sa bansang Kuwait? Kung ang mga Filipinong matatagal ng nagtatrabaho sa Kuwait ang tatanungin, walang buting idudulot ang total deployment ban.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ni G. Elmer Mariano Jacalne, isang kamag-anak ko na taon na ang binilang sa pagiging OFW sa Kuwait (hanggang ngayon nasa Kuwait pa din siya, kasama na ng kanyang pamilya), na ang ganitong pagbabawal sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait ay nagpapakita lamang ng kabiguan ng pamahalaan na proteksiyunan o solusyunan ang problema ng mga kababayan nating nagtatrabaho doon.
Matagal ng may isyu sa kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs na naghahanap-buhay sa ibang bansa, pero walang epektibong solusyong nailabas kailanman ang gobyerno, dagdag pa ni Jacalne. Well, sa totoo lang, wala namang pamahalaang Pilipino mula noong mauso na ang mga OFWs ang seryosong naghanap ng solusyon. Hanggang ngayon, ang mga OFWs ay tinatawag na bayani, pero mga palaboy kung ituring ng mga opisyales natin.
-ooo-
MGA ABUSO AT PAHIRAP SA OFWs, INIHULA NA NOON PA: Mawalang-galang na po pero ang nakikita ko lamang na epektibong solusyon upang huwag maabuso o mapatay ang ating mga OFWs ng kanilang mga among banyaga ay simple: huwag na silang pahintulutan pang magtrabaho sa abroad. Kung hindi sila magtratrabaho sa ibang bansa, walang aabuso sa kanila.
Pero, alam nating lahat na hindi naman pupuwedeng pipigilin ang ating mga kababayan sa paghahanap ng ikabubuhay sa ibang bansa. Wala kasing hanapbuhay sa Pilipinas na magbibigay sa kanila ng mga halagang kanilang kikitain pag sila ay nag-OFW. Kung nais nating pigilan ang mga Pilipino na magtrabaho sa abroad, marapat lamang na bigyan sila ng bansa ng oportunidad sa kanilang sariling bayan, bagay na imposible pa rin sa ngayon.
Saan natin kukunin, kung ganoon, ang solusyon sa isyung ito? Kung ako ang tatanungin, ipapaala-ala ko sa lahat, partikular sa mga nasa pamahalaan, na ang ganitong sumpa sa ating mga kababayan ay nauna ng isinulat at inihulang magaganap, gaya ng nakasaad sa ating Inspirasyon sa Buhay ngayong araw na ito. Maliwanag na ang solusyon dito ay ang Diyos. Basahin po natin kung papaano tutulong ang Diyos sa mga OFWs sa Deuteronomio 28:15, 32 ng Bibliya).
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]