
MY FRIENDS ask me, “Why do you even look back (to the Philippines)?”
Maayos naman daw ang buhay ko sa America. May pera naman daw ako. (Please stop Googling my net worth! Lalong tumataas ang value ko. Haha.)
At tama sila.
If the Philippine situation gets worse, I can just forget about the Philippines.
Shake my sandals, and preach to the next town that will receive me.
Or better yet, ‘wag na mag-preach. Just live a life of hedonism and debauchery.
Hayaan lang na mabulok ang Pilipinas at ang mga mangmang at bobong patay-gutom na gustong magpauring sa mga politiko.
***
Pero kasi, dapat may gawin muna ako bago mag-give up.
(Hindi pa nga nanligaw, break na kaagad?)
I need to reach out before I turn my back. (Ayoko ring may masabi sa akin about not giving a chance to those who deserve it.
Key words: chance to those who deserve it.
Hindi deserve ng mga magnanakaw at sinungaling ang chance at the presidency.
Tanging ang malinis na track o service record lamang ang deserving sa chance!)
***
The Philippines has given me so much. I just want to give back.
May meaning at value sa akin ang pagiging Outstanding Student ng UP System ko noong 1990. At pagiging Most Outstanding Graduate of UPV in that same year.
And I’m the kind of person who substantiates any kind of honor or praises given me.
Dahil Palanca Awards Hall of Famer, I always try to write for Filipino audiences.
I always try to reach out to Filipino readers instead of shooting for international market and/or fame.
***
Iminulat ako ng UP sa social responsibility.
Ang Excellence kasi sa UP, hindi lang limitado sa scholastic record o sa intellectual achievement. Dapat it should be used in the Service of the people.
Iskolar ako ng bayan. I will not betray that idea. Sometimes, I feel, bayad na ako. Nasuklian ko na, naibalik ko na ang free tuition and scholarship ko sa kolehiyo noon.
Pero hindi kasi nababayaran nang lubusan ang utang na loob. Lalo’t ang utang ay sa mga kababayang Pilipino.
(Wala akong utang sa diktaturya; ang diktaturya ang may utang sa akin!)
And so, I look back to (serve) my people.
***
And so, gusto kong makisawsaw sa lipunan.
Gusto kong makaimpluwensya ng mga kabataan.
Gusto kong ituro ng espiritu ng UP kahit doon sa hindi nakapasa/makapasa sa UPCAT.
Pwede kasing matalino rin at responsable kahit hindi taga-UP. In fact, kahit hindi nakapag-aral.
Kasi nga, sa aking pananaliksik, at sa 21st century reality, marami na tayong intelligences ngayon.
Doon lang nagkakatalo kung saan ginagamit ang mga talinong ito.
***
Naniniwala ako na kahit hindi ka nakapag-aral, you would have instinctual intelligence.
In fact, this instinct should tell you whether your Internet information is right or wrong.
Kung wala kang natural instinct for right and wrong, kung wala kang pakiramdam sa mabuti at masama, ano ang ipinagkaiba mo sa ibang mga hayop?
You are only a person if you have a better instinct for what is true, what is good, and what is beautiful.
Unfortunately, dahil nga marami ang patay-gutom at maralita na uunahin ang isasaing na bigas o P500 kesa sa katotohanan, asal hayop ang marami.
Mga tuta ng kandidato nila. Kahol nang kahol.
***
The Internet is also a Misinformation superhighway.
Kapag inabuso kasi ang technology, nagiging masama ito.
Troll farms. Smart-shaming. Palaban attitude ng mga bobo. Self-celebrity ng mga pangit. Hubaran sa TikTok. You name it!
Rason kung bakit I maintain a strong online presence: Imagine a world na mga bobo, gago, at iresponsable lamang ang nagsasalita at nag-iingay.
News alert: Hindi lahat ng nagsasalita sa internet, matatalino o may punto, o mabubuting tao. Ang iba, gusto lang sumikat kahit sa kagagohan.
Ang iba, bayaran lang ng mga kandidato. Hindi ito mga tao; ang tawag sa kanila ay “trolls”. (To be continued)/PN