Lest we forget, Part 6

SA NGAYON, leading sa survey ang anak ng diktador.

Noong 1986, hindi kami nagpadala sa surveys. Ipinaglaban namin si Cory. Against all odds.

Alam ko naman na marami ang bobo na nakikisabay lang: Pinipili ang sinungaling mula sa pamilya ng magnanakaw dahil iyon ang “feeling” nila na mananalo. Wala silang sariling opinyon—mga bobo nga kasi.

Basta doon lang sila sa kandidatong popular.

Pero hindi ito contest ng kung sino ang leading at “feeling mo na mananalo.” Hindi ito laro.

Ito ay laban ng Good versus Evil.

Ito ay halalan para sa ating kinabukasan.

And it’s like 1986 again.

*

Nawawalan na ako ng tiwala sa Filipino voters.

Pero hindi po ako maggi-give up

Lalaban po ako hanggang sa makayanan ng Courage ko to change the things that I can.

Hindi po ako katulad ng ibang Gen X-ers na walang pakialam dahil “pare-pareho lang naman silang mga politico.”

Iyan po ang linya ng mga walang pagmamahal at pag-aalala sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

And so, I ask the youth, kahit hindi pa botante, not to give up.

Magkampanya po kayo para sa matino at nararapat na mga kandidato.

*

Ikampanya n’yo po at ipaglaban ang Pag-asa. Ang Kinabukasan. Ang Oportunidad ninyong lumago, umunlad, at umahon sa hirap na hindi kailangang kumapit sa patalim at magpakapokpok.

Hindi po pera at yaman o materyal na kaginhawaan ang malaking usapan sa Halalan 2022.

Kundi ang leveling of the playing field. ‘Yong makapagsimulang muli tayong lahat na walang bahid ng diktaturya, corruption, at pagkagahaman sa kapangyarihan.

*

Noong 1986, seventeen years old lang ako. Not a voter.

Pero masigasig kong ikinampanya si Cory Aquino sa bayan namin.

Ang tatay ko, longtime Marcos supporter; pero iniyakan ko siya. Nagmakaawa ako. Sabi ko, “Iboto mo si Cory para sa kinabukasan ko.”

Nangako ang mga magulang ko. Si Cory ang ibinoto nila.

Naganap ang EDSA Revolution.

Iyon ang laban na naipanalo ko kahit 17 years old lang ako.

Those events shaped me, and my faith in the Filipino people.

Kaya naman ng mga Filipino kung ginagamit ang puso at instinctual intelligence.

*

Oo, Coryista ako. But before you judge me, read my plays— “Cory, Full of Grace” at “If the Shoe Fits: The Five Men Imelda Marcos Meets in Heaven.”

Sa Imelda play, binigyan ko ng human side si Imelda. I was compassionate to my literary character. Pero sa totoong buhay, gusto kong makulong si Imelda.

I still cannot get over the fact na mahigit 40 balikbayan boxes and suitcases of jewelry and newly printed money (conservative estimate of $7.7 million in 1986) ang dala nila sa pagtakas papuntang Hawaii.

Inuna nila sa helicopters ang jewelry ni Imelda kesa sa maysakit na nanay ni Marcos na si Josefa!

What kind of materialistic animals have those moral values?

*

Kasalanan ng mahihirap ang kamangmangan sa kasaysayan ng mga kabataan ngayon.

Kasalanan ko rin. 

Kinailangan ko rin kasing mabuhay. Kinailangan ko ring maghanap-buhay.

Imbes na magturo, nagpakayaman ako. At pinabayaan ko ang politika ng bansa sa mga gunggong na politiko na walang ginawa kundi pagtakpan ang mga kakulangan nila.

*

Ano naman kasi ang laban ko sa pera ng mga Marcos? Sa mga galamay nila? Sa mga ipinuwesto nila sa mga posisyon ng kapangyarihan?

Bakit nga ba hindi itinuturo sa mga paaralan ang Martial Law experience? Ang human rights abuses? Ang mga ill-gotten wealth?

At ngayon nga, ano ang laban natin sa troll farms na nagkakalat ng fake news, false information, outright lies, biased surveys?

*

Iisang boses lang ako. But everything I say is true. 

Iyon lang naman ang maipagmamalaki ko. At iyon ang source ng aking tapang.

Marami akong alam. Nagbasa ako, nag-research, nag-analisa, nakipag-usap sa mga tao.

I recognize the advancement of technology, education, interpersonal interactions, psychology, famewhore tactics.

Malawak ang pang-unawa ko sa human intelligence, generational gaps, behavior, emotional and mental issues, at sa mga pagbabago in these fields.

*

Naniniwala ako sa Diyos. Dumaan din sa pagdududa at pagdideny ng Diyos.

Nagmahal, nabiyudo, nagmahal uli, hindi jinowa, hindi itinadhana.

But I have one more love next to my love of God; it’s my love for my country, my people, and especially the Filipino youth.

That’s why I support Leni, our Pink promise of a better future./PN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here