[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Mga batang babae sa Tarlac City, sa isa’t isa nahuhumaling?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 31, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Dahil dito, hinayaan sila ng Diyos sa kanilang masasamang nasa: ipinagpalit na ng mga babae ang natural na pakikipag-ugnayan sa mga lalaki, at sa kapwa babae na sila nahuhumaling…” (Roma 1:26, Bibliya).
-ooo-
“FAKE NEWS,” DI NA DAPAT PINAGKAKABALAHAN NG SENADO: Ewan ko ba naman dito kay Sen. Grace Poe at sa ilang mga kasama niyang senador kung bakit pinagkakaabalahan pa nila ang “fake news” mula sa Internet. Simple lang naman yan. Kung “fake news” nga siya, malalaman at malalaman ng taumbayan na wala itong kuwentang balita. Agad na nila itong lilimutin, at hindi na pag-aaksayahan pa ng panahon.
Matatalino na ang mga Pilipino ngayon, lalo na yung mga may kakayahang gumamit ng Internet at ng social media. Kung kaya nilang pumasok sa Internet, basahin ang mga nakalagay doon at maglagay doon ng kanilang sariling pananaw o mga opinyon sa maraming bagay, kaya din nilang alamin kung ang isang balita ay fake o hindi.
Dahil diyan, hindi magtatagal ang mga pinanggagalingan ng sinasabing fake news. Mamamatay ang mga ito kasi wala ng magbabasa sa kanila. Kaya nga, sayang lamang ang mahabang oras na ginugugol nina Poe at ng iba pang mga senador sa isyung ito. Sana, ang tinalakay na lamang nila ay ang panloloko ng mga telephone companies sa mabagal na Internet connection, gayong kumikita sila ng sandamukal na pera sa mga kustomer nila.
-ooo-
MGA BATANG BABAE SA TARLAC CITY, SA ISA’T ISA NAHUHUMALING? Iba na talaga ang panahon ngayon. Nasa Starbucks ako sa Tarlac City hapon ng Enero 30, 2018, matapos akong dumalo sa isang court hearing sa Municipal Trial Court in Cities doon. Habang isinusulat ko ang kolum na ito, di ko maiwasang mapansin ang dalawang dalagitang nakaupo sa mesang nasa harap ko, at maliwanag na nagliligawan, kung wala pa nga silang relasyon.
Halos 15 o 16 lamang sa tingin ko ang mga batang babae. Pero, napakatapang na nila kasi sa harap pa ng publiko pa sila nagpapakita ng kanilang paglalandi sa isa’t isa. Nagho-holding hands sila, naghahawakan ng gilid ng kanilang mga katawan at ng kanilang mga mukha, at malalagkit kung tumingin sa isa’t isa, na gawain lamang ng magsing-irog. Ang kanilang mga paa ay nagpupulutan sa ibaba ng kanilang mesa, at kung saan-saan tumatama ang mga ito.
Mga estudyante sila kasi naka-uniporme pa sila. Naisip ko bigla, tumakas kaya ang mga ito sa kanilang mga klase, upang makapagniig sila sa Starbucks? Alam kaya ng mga magulang nila (o maging ng kanilang mga guro o ng kanilang mga autoridad sa kanilang paaralan) na sa halip mag-aral, nandoon sila sa at naglalampungan? Iba na talaga ang panahon ngayon!
-ooo-
RP, NAKATAKDANG MAGING BANSA NG MGA BASTARDA AT BASTARDO: Medyo matindi ang tinutungo ng panukalang batas ukol sa kapangyarihan ibinibigay sa mga simbahan sa Pilipinas upang ipag-utos ang pagbabalewala ng kasal ng kanilang mga kasapi. Ayon sa panukalang iniulat na nagmula sa isang babaeng mambabatas sa Gitnang Pilipinas, ang pagbabalewala ng kasal ng mag-asawa ng simbahang kanilang kinaaniban ay may bisa ng tulad sa mga kautusan ng hukuman.
Wow. Nalalaman kaya ng babaeng mambabatas na sa Pilipinas, napakarami na ng mga simbahan sa kasalukuyan? Malamang, kung ang lahat ng ito ay magkakaroon ng kapangyarihan balewalain ang kasal ng mga Pilipino, wala ng matitira pang pamilyang Pilipino na ang mga magulang ay kasal pa sa isa’t isa.
Tiyak ko, kapag naisabatas ito, mawawasak na ng tuluyan, hindi lamang ang pamilyang Pilipino, kundi maging ang lipunang kanilang ginagalawan. Magiging bayan na tayo ng mga bastardo at bastarda, o mga anak ng mga lalaki at babaeng nagsama kahit walang kasal. Maraming mga Pilipino na ang magiging anak sa pagkakasala, na ang moralidad ay magiging napakababa. Patawarin tayo ng Diyos!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]