Mga pulitikong ngakngakero sa press freedom, manloloko

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Mga pulitikong ngakngakero sa press freedom, manloloko’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Friday, February 23, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang inyong mga pinuno ay mga rebelde, kasapakat ng mga magnanakaw; lahat sila ay nahuhumaling sa mga kaloob, at laging nanghihingi ng suhol..” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

MGA PULITIKONG NGAKNGAKERO SA PRESS FREEDOM, MANLOLOKO: Etong mga pulitikong ngakngak ng ngakngak ukol sa diumano ay paninikil ng Pangulong Duterte sa kalayaan ng pamamahayag, malalaki at matindi na ang luwag ng kanilang mga turnilyo sa ulo. Kasi naman, maliwanag na nanloloko na lamang sila sa isyu ng press freedom, upang mapasama ang imahen ng Pangulo, at makapagpa-guwapo sila sa mga botante.

Bakit ko sinasabing nanloloko lang sila sa mga batikos nila kay Duterte ukol sa kalayaan sa pamamahayag? Aba eh, subukan nating tanungin sila kung kumilos na ba sila upang tanggalin ang tunay na balakid sa kalayaan sa pamamahayag—ang mga umiiral na batas sa libelo na nagpaparusa sa mga nasa diyaryo, radio at telebisyon, at online media ng kulong dahil lamang sa kanilang isinulat, o nai-broadcast.

Napakatagal na ng panahon na ang mga ngakngakerong ito ay nakapuwesto. Pero, kumilos ba sila upang tanggalin na ang batas sa libelo? Kung talagang tunay ang pagnanais ng mga mambabatas na ito na maitampok ang kalayaan sa pamamahayag, kumilos sila na alisin ang libelo. Habang di nila ginagawa ito, hindi ma-i-aalis sa isip ng mga Pilipino na sila ay mga gunggong na nanloloko lamang sa sambayanan.

-ooo-

KAWAWA TAYONG MGA PILIPINO: Kawawa talaga tayong mga Pilipino. Isipin ninyo, noong may nagnais na itaas ang presyo ng bigas, bigla na lamang nawala ang supply nito sa iba’t ibang panig ng bansa. Noong natanggap na ng mga mamamayan ang mas mataas na presyo kada kilo ng bigas, bigla ding nagbalikan ang supply.

Ganoon din ang nangyayari sa iba pang mga batayang gamit o pagkain na kailangan ng mga Pilipino sa araw-araw. Kapag nais ng mga nagnenegosyo sa mga bagay na ito na taasan ang presyo ng kanilang mga ipinagbibili, itatago nila ang supply hanggang magmumukhang may krisis. Pag tanggap na ng tao ang mas mataas na presyo, doon nila ilalabas ang mga supply na binili nila sa presyong napakababa.

Noong Huwebes, Pebrero 22, 2018, sa ganap na alas 3 ng hapon, maggagasolina sana ako sa PTT gas station sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila matapos akong dumalo sa regular meeting ng Rotary Club of Intramuros. Akalain ninyo, wala daw nagdeliver ng gasolina sa nasabing istasyon noong araw na iyon, kaya’t walang mabili ang mga bumibiyahe sa Port Area? Naku, tiyak, itataas na naman nila ang presyo ng gasolina!

-ooo-

“K.A. LITE PROJECT” NG ROTARY, NAKAKATULONG SA MGA BATA: Binabati ko ang Rotary Club of Intramuros Manila at ang Rotary Club of Blacktown, Australia, sa tagumpay ng joint project nila na ang tawag ay “KA Lite” Project. Sa ilalim nito, namimigay sila ng mga personal computers na may laman na parang encyclopedia sa iba’t ibang mga paaralan at mga grupo, upang magamit sa pagtuturo sa mga batang nag-aaral o out-of-school.

Ayon kay Great President Aries Balanay ng Intramuros, Past President Tess Sayas ng Blacktown, at Intramuros Past President Floren Naguit, nasaksihan nila, noong biglaang dumalaw sila noong Huwebes sa isang grupo ng mga kabataang may sakit na kanser na nabigyan ng KA Lite computers noong nakaraang taon sa Philippine General Hospital, na aktibong gamit ng mga bata ang nasabing mga computers sa pag-aaral.

“Natuwa talaga kami na nakita namin ang mga bata na ginagamit ang mga KA Lite computers sa pag-aaral, kahit di nila alam na darating kami,” dagdag pa ni Tess. Sabi naman ni Aries, na ngayon ay nahalal ding Jaycess Senator, ang mga computers ay nakaka-engganyo sa mga bata na maintindihan ang math, science, at music, kahit di ito nakakabit sa Internet. Well, congratulations!!!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here