NO FILTER

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’‘Diin ka na Maria Clara?’’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
BY RHICK LARS VLADIMER ALBAY
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=’custom’ color=’#0a0a0a’]
Wednesday, March 1, 2017
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=’custom’ color=’#0a0a0a’]

IN HIGH school, we were tasked to put together documentaries inspired and based on the themes of Dr. Jose Rizal’s two novels, Noli Me Tángere and El Filibusterismo. The film our group conceptualized was entitled “Diin ka na, Maria Clara?” with us roaming around Iloilo and asking random people if they knew where the Rizal heroine is today.

Our project would eventually be recognized and awarded a runner-up plum by AnakTV in the 2011 Kabataan sa Bisayas Media Festival held in Tacloban.

Here is an excerpt from our script:

Sabini lola, ang mga bulaklak daw ay luha ng mga anghel mula sa kalangitan. Matagal ko rin iyong pinaniwalaan. Marahil dahil bata pa ako noon, at mas masarap isiping may misteryong bumabalot sa bawat talutot at palumpon ng mga bulaklak.

Malaya at mabilis na lumipas ang mga araw, kahit si lola ay lumisan na rin. Kasabay noon ay nalimutan ko na ang kuwento ni lola tungkol sa mga bulaklak. Nawala na rin ang mahiwagang pakiramdam na minsan kong naramdaman.

Magkagayunman, di ko pa rin maiwasan pagmasdan ang kagandahan ng mga ito, lalo na kung umuulan. Tila sila’y sumasayaw subalit may pagluha. ‘Yon ang ‘di ko alam. Bakit sila lumuluha? Hiniling ko na ibulong na sana ng hangin ang sagot sa akin. Ngunit wala ngang sumagot.

Ano ba ang kailangang iyakan ng kagandahan? Natandaan ko si Maria Clara, umiyak dahil sa pag-aabuso, pagmamalasakit, at pag-ibig. Busilak nga ang kaniyang kagandahan.

Ngunit sa aking pagsipat tila may mas malalim pang ipinapahiwatig ang imahen ni Maria Clara.

Aming naisipang hanapin si Maria Clara dito sa Iloilo.

Subalit bago ko simulan ang aming paghahanap, paano na nga binibigyan ng kahulugan ang kagandahan sa panahong ito.

Puso at kalooban nga ba ang batayan ng kagandahan sa panahong ngayon? Tila nagbago na nga ang depinisyon ng kagandahan sa panahong ito.

Nabura na ang balot na balot na dalagang Filipina noon at pinasuot na siya ng swimsuit, bikini, at kung ano pa.

Ayon sa L’oreal  Group of Companies, ang Pilipinas ay isa sa labindalawang bansa na may potensyal na maging pangunahing importer sa industriya ng cosmetics.

Ang kabuoang pag-aangkat ng bansa sa produktong cosmetics ay umaabot sa isang daan at limampung milyong dolyares bawat taon. Baka kung mahanap ko na si Maria Clara, puno na ng kolorete ang kaniyang mukha.

Sa aming paghahanap kay Maria Clara, kami’y nagtanong-tanong sa mga tao ng Iloilo kung sila’y may alam tungkol sa dalagang aming hinahanap.

Ilan sa mga sagot ng iba’t-ibang tao na tinanong naming “Nakita mo si Maria Clara?”

“Maria Clara is….. object lang ng true Filipina. Mahinhin, at di makabasag pinggan, pero ngayon di na siya uso kase liberated nang masyado ang mga babae.”

***

“Sabi nila, according tothe books of Jose Rizal, Maria Clara is a typical Filipino woman. Pag-sinabi nating typical Filipino woman, siguro ang persepsyon agad natin ay naka-saya, mahaba yong buhok, malinis, ganon. Parang, yong hindi burara sa sarili, yong hindi maingay, yong disiplinado. Siguro ganon si Maria Clara, as portrayed by the writings of Dr. Jose Rizal.

(Nakikita mo ba si Maria Clara gumagala-gala dito sa University of the Philippines campus?)

“Sino ba si Maria Clarang yan?Anyway, di ko po sya nakita dito.”

***

(Kilala mo si Maria Clara?)

“Oo.”

(Pwede  mo bang i-describe ang kanyang mukha.)

“Ang mukha? Sa mukha, as stated in the books, Probably she’s very pretty. Mala-Spanish ang mukha, because she’s half-Spanish, I think. A Spanish mestiza beauty, the demure women proper look. If you’re going to ask me about her personality, I don’t like her.”

(Nakikita mo bang gumagala-gala si Maria Clara dito sa UP?)

Is that a metaphor? No, Maria Clara as Maria Clara before, no. Because the Maria Clara before was not empowered. The Maria Clara before was weak, and we don’t have women like that in UP. I want to believe so.”

***

“Depende, kung Maria Clara sa pananamit, sa mga barrio siguro. Totoo talaga toh? Kung Maria Clara sa pag-uugali, parang…  wala ka nang makikita ngayon, pero ang mga moral values na ala-Maria Clara, nandiyan pa man rin.”

***

“Oo, iyan ang image ng tunay na Filipina.”

(Sa tingin mo, buhay pa rin si Maria Clara ngayon?)

“Wala na, bihira nilang. Ayan, sa mga matandang dalaga, makikita mo si Maria Clara. Sa ngayong henerasyon, noon pag-sixteen, hindi mo yan makikita ang tuhod.”

***

“Maria Clara, diin ka na?” Aming paulit-ulit na iniisip ito. Kami’y dinala ng aming mga paa sa Iloilo Central Market. Kami’y bibili lang sana ng mga bulaklak na gagamitin namin para sa dokumentaryong ito. Kami’y nagtanongtanong na rin. Kami’y nagulat sa aming nakita. Sa gitna ng kalsada, nandoon si Maria Clara. Ginawang imortal sa isang iskultura, nakaupo sa isang mataas na burol.

Kagandahan nya’y magpakailanman mananatili sa bato. Maraming sasakayan at tao ang dumadaan dito araw-araw. Iilan lang kaya ang nakakapansin sa kagandahang ipinapakita rito.

Amin nang aaminin na patay na nga si Maria Clara. Siya’y tahimik na sumakabilang-buhay sa isang kabanata sa El Filibusterismo. Ngunit hanggang ngayon, masasabi pa ring buhay ang diwa niya.’Di naman ito makita sa pananamit, pag-kilos, at pag-presenta ng sarili, masasabi nating buhay pa nga ito.

Tila ang persepsyon ng mga tao kay Maria Clara ay mahinhin, mahina. Subalit ito nga ba ang kalagayan ni Maria Clara bilang isang babae?

Ang kagandahan ni Maria Clara, kagandahan ng kababaihang Filipina.

Maraming mahirap na pagsubok ang dinaanan ni Maria Clara. Lahat ito, kanyang nalampasan. Ito ay nagpapakita lamang ng katatagan ni Maria Clara. Nagbago na nga ba ang estado ng mga Maria Clara ng Pilipinas.

Ngayon, ang mga babae, sila narin ang tumutulong sa mga lalaki sa paghahanap buhay. Iyan kung bakit, lumaki na ang contribusyon ng mga babae sa ngayon.

Ngayon, tila makikita na natin ang unti-untig pag-angat ng mga kababaihan.

Sa ngayon sa bawat isang daan at sampung kalalakihang OFW may roong isang daan na babae.

Noong 2005, 55.4 percent ng mga manggagawa sa sector ng pangangalakal ay kababaihan. Mas marami rin ang kababaihang manggagawa sa service sector.

Si Maria Clara bilang tunay nahalimbawa ng kagandahan ng Filipina.

Ngunit kailangan bang kasabay ng kanyang pag-yao ay ilibing na rin sa limot ang imahen at diwa ni Maria Clara?

Amin na ipinagdarasal na sana’y hanggan ngayon ay buhay ang diwa ni Maria Clara. Hindi naman ito makita sa pananamit, pag-kilos, at pag-presenta ng sarili ng mga kababaihan ngayon, sana’y kahit sa maliit na lamang na aspeto matandaan pa na may nabuhay at umibig na Maria Clara.

Nawa’y ang ilaw na hawak ng rebulto ni Maria Clara ang magbigay ng liwanag sa mga kababaihang ngayon. Nawa’y sila’y protektahan lagi.

Ipagdasal natin ang mga kababaihan ng Pilipinas.Nawa’y habang buhay na magmumukadkad ang bulaklak ni Maria Clara./PN

 

[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here