[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Paano titiyakin ang kaligtasan ng mga OFWs?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 16, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.  Sila’y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabutiâŚâ (2 Timoteo 3:1-3, Bibliya).
-ooo-
BIR, TRB, DAPAT BUSISIIN ANG âPAYMENT REJECTEDâ SA NLEX: Hindi ko maalaala kung naiulat ko na sa kolum na ito ang noon pa man ay napapansin kong pagpapahayag ng lighted billboards sa mga exit points ng North Luzon Expressway (NLEX) ng mga katagang âpayment rejectedâ pag nagbabayad na ako ng toll fee.
Hanggang ngayon kasi, patuloy ko pa ding nakikita ang mga salitang ito sa mga umiilaw ng billboards ng NLEX pag nakakapagbayad na ako sa mga tellers doon. Sa tingin ko, dapat tingnan ito ng Toll Regulatory Board o maging ng Bureau of Internal Revenue, at liwanagin sa pamumuan ng NLEX kung bakit nagsasabi ang kanilang mga billboards ng âpayment rejectedâ.
Ang ibig bang sabihin ng mga salitang ito, ang ibinayad ko at ng iba pang mga gumagamit ng NLEX ay tinatanggihan ng kanilang computers at hindi ito naire-record bilang kabayaran? Bakit naman lilitaw na âpayment rejectedâ kung nagbayad naman ang motorista? At kung âpayment rejectedâ ang transaksiyon, ibig bang sabihin ay hindi ito mai-u-ulat na kinita ng NLEX at hindi na sisingilin ng BIR ang buwis para doon?
-ooo-
PAANO TITIYAKIN ANG KALIGTASAN NG MGA OFWs? Sa harap ng malagin na pagpatay kay Joanna Demafelis sa Kuwait noong pang 2016, papaano nga ba titiyakin ang kaligtasan ng halos 20 milyong overseas Filipino workers (OFWs) mula sa kamay ng mga amo nilang dayuhan na kung di man dayukdok sa laman ay mga halimaw naman sa pagtrato ng mga naglilingkod sa kanila?
Noon pa dapat hinanapan ng sagot ang tanong na ito, pero maliwanag na walang interesado sa gobyerno o sa pribadong sektor na makahanap ng epektibong solusyon sa problema ng kapakanan at kaligtasan ng ating mga kababayang nangangamuhan sa ibang bansa upang makapaghanap-buhay lamang.
Nakakalungkot ang kawalan ng matibay na interest sa isyung ito, dahil maliwanag namang nakikinabang ng husto ang bansa—ang gobyerno at ang mga pamilya ng mga OFWs—sa kanilang pakikipagsapalaran sa abroad. Kung wala ang dollar remittances ng mga OFWs, tiyak bagsak na ang ekonomiyang Pilipino, at mas matindi ang hirap na daranasin ng mga kababayan natin.
-ooo-
PAGIGING KONTROLADO NG DIYABLO NG TAO, LAGANAP NA: Pero, kung tutuusin, ganoon din ang problemang kinakaharap ng mga magulang na nasa bansa, kung ang pag-uusapan ay ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Tingnan na lamang natin ang nangyari sa isang dalawang-taong gulang na batang babae na kinidnap at tapos ay pinatay matapos gahasain.
Sa kaso ng isang labing-isang taong gulang na dalagita mula sa Pasay City, mabuti na lamang at nahabol siya ng kanyang ina habang ito ay hatak-hatak ng isang lalaki na nagpupumilit gawing Valentine Date ang bata. Kung hindi siguro nakita ng nana yang ginagawa sa anak niya, baka napariwara na rin ang paslit.
Ito ang nagpapakita na laganap na sa buong mundo ang kontrol ng diyablo sa maraming tao. Lubhang masama na ang mga tao, at ang masakit pa, ni tila hindi nila alam na masama ang kanilang ginagawa. Bunga ito ng katotohanang wala na kasi sa kanila ang mga aral, turo, at Salita ng Diyos. Kung nais natin ng proteksiyon para sa atin at sa mga mahal natin sa buhay, balik tayo sa Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Bibliya.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]