[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Panukala sa ‘responsableng’ media, isang uri ng paninikil’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 20, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Taong sinungaling, ang iba’y gusto mong saktan sa salita…” (Awit 52:4, Bibliya).
-ooo-
PANUKALA SA “RESPONSABLENG” MEDIA, ISANG URI NG PANIKIKIL: Kahit saan ko ito tingnan, ang panukala ni House Deputy Speaker Fredenil Castro ng Capiz ukol sa pagdadagdag ng salitang “responsable” sa probisyon ng Saligang Batas na kumikilala sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa, lumilitaw na ito ay isang maiitim na paraan ng pagsikil sa malayang pagpapalabas ng mga impormasyon o opinyon sa pamamagitan ng media.
Sa kanyang panukala kasi, sinabi ni Castro na ang Section 4, Art. III (o Bill of Rights) ng Saligang Batas ng 1987, ay babaguhin upang ang kalayaan sa pamamahayag na ginagarantiyahan ng Konstitusyon ay kikilalanin lamang kung ang mga peryodista, mga broadcaster, at iba pang media practitioners (o ang sinupamang ibang tao) ay magiging “responsable” sa kanilang pagpapahayag.
Ibig sabihin, mula sa kalayaang mamahayag ng walang limitasyon maliban sa pagbabawal na sirain ang pagkatao o reputasyon ng iba, sa panukala ni Castro ay magkakaroon na ng nakakatakot na limitasyon ang pagpapahayag sa Pilipinas dahil kailangang siguraduhin na nilang “responsable” ang kanilang ulat o mga opinyon.
-ooo-
KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG, DI LUBOS SA RP: Teka lang, Congressman Castro. Sino ang magsasabi kung ang ulat o opinyon ng isang mamamahayag o ng kahit na sinupaman ay “responsable” o hindi? Ang mga mamamahayag ba, o ang mga tao o grupong laman ng mga pagpapahayag ng media? At ano ang batayan sa pagsasabing ang pagpapahayag ay “responsable” o hindi?
Ganundin, ano ang parusa kung ituturing na hindi “responsable” ang lumabas na ulat o opinyon? Sa totoo lang, sa kasalukuyang anyo sa Saligang Batas ng 1987 ng kalayaan sa pamamahayag, maliwanag na may limitasyon na ngang maituturing sa kalayaan ng pamamahayag, bagamat ang pagkakahabi doon ng nasabing kalayaan ay tila ba wala itong limitasyon.
Sa totoo lang, kahit sinasabi ng Saligang Batas na walang batas na maaaring makabawas o makapigil sa karapatan ng malayang pagpapahayag sa bansa, nananatili naman ang mga batas ng libelo at paninirang puri—o mga batas na nagpapataw ng parusa sa mga mamamahayag o ibang tao na maglalabas ng sinasabing nakakasirang mga ulat o opinyon.
-ooo-
BAKA MAWALA SA RP ANG KALAYAAN NG PAMAMAHAYAG: Dahil sa mga batas na ito ng libelo at paninirang puri, di maitatatwang nababawasan ng malaki at napipigilan ang karapatan sa malayang pamamahayag hindi na lamang ng mga mamamahayag kundi pati na ng buong sambayanan.
Ang mga batas na ito ay tunay ngang nakakapigil na sa mga mamamahayag na gamitin ng puspusan ang kanilang pagpapahayag upang lumabas ang katotohanan sa kanilang mga isinusulat.
Kung itutuloy pa ni Castro ang kanyang panukalang dapat maging “responsable” sa paggamit ng kalayaan sa pamamahayag ang mga nasa media, lalo lamang mababawasan o di kaya ay mawawala na ng tuluyan ang kalayaang ito. Lalong magiging tameme ang mga taga media sa pagbubunyag, at tiyak, lalo lamang sasargo ang korapsiyon sa bawat sulok ng bansa.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]