Problema sa isip, di dapat ikahiya, isangguni sa duktor

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Problema sa isip, di dapat ikahiya, isangguni sa duktor’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 5, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Huwag na kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Magbago na kayo ng inyong isip…” (Roma 12:2, Bibliya).

-ooo-

PROBLEMA SA ISIP, DI DAPAT IKAHIYA, ISANGGUNI AGAD SA DUKTOR: May napapansin ba kayong pagkalungkot, pabago-bagong timpla ng pag-uugali (minsan masaya, minsan malungkot, minsan humahalakhak, tapos bigla na lamang tatawa), at kakaibang pagkilos ng inyong mga anak, mga kapatid, o iba pang mga kamag-anak at mga kaibigan?

Hindi pala sila dapat kainisan o kagalitan, at sa halip, sila ay unawaing sumasailalim sa sakit at, kung kaya din lang, dalhin agad sila sa isang manggagamot na dalubhasa sa isip. Kung maagapan at agad silang mabibigyan ng lunas ayon sa payo ng dalubhasang manggagamot, mapapagaling at mababago pa ang takbo ng kanilang buhay.

Ayon kay Juan Leonardo “Julian” Mauricio, isa sa mga pamangkin ko sa aking kapatid na si Atty. Leny Mauricio sa kanyang talumpati sa Pagtitipon sa Papuri, Pagsamba at Pasasalamat ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) noong Sabado, Pebrero 03, 2018, mahalaga pala na huwag ipagwalang-bahala ang ganitong katayuan ng isang tao, upang mapigilan ang maaaring pagpapakamatay niya, o paglala ng kanyang sakit.

-ooo-

30 M PINOY MAY PROBLEMA SA ISIP—NAST: Mahalaga ang mga ganitong pagpapaliwanag na ginawa ni Julian sa kasalukuyan. Batay kasi sa pag-aaral ng mga mental health experts, milyon-milyong Pilipino na ang nadidiskubreng may sakit sa isip na ni hindi nabibigyan ng pagkakataong masuri man lamang ng mga dalubhasa at, dahil diyan, hindi nabibigyan ng mga kailangang gamot.

Sa isang ulat ukol sa pag-aaral ng mga may problema sa kaisipan noong 2004, sinasabing apat hanggang limang milyong Pilipino ang may ganitong problema. Noong 2017, iniulat naman ni Dr. Lourdes Ignacio ng National Academy of Science and Technology (NAST) na isa sa tatlong Pilipino (o 30 milyon sa kasalukuyang bilang na 100 milyong Pilipino) ang may sakit sa isip.

Ayon kay Julian sa kanyang “eye-opening lecture” sa AND KNK, ang lahat ng ito ay nangangailangan ng tulong at kalinga, hindi ng pagkutya at pagpapabaya. Dahil siya mismo ay nakaranas ng kakaibang problema sa isip at natulungan ng kilalang espesyalista na si Dr. Randy Dellosa, nagtayo siya ngayon ng isang grupo  na matatawagan at mahihingan ng tulong. Maaari po ninyong puntahan ang Facebook page ni Julian (Julian Mauricio) sa dagdag na impormasyon.

-ooo-

PARA SA KAGALINGAN NG ISIP, BASAHIN ANG BIBLIYA: Ayon sa open forum sa Pagtitipon ng AND KNK na pinangunahan ni Julian noong Sabado, lumitaw na marami ang dahilan kung bakit nakakaranas ng problema sa pag-iisip ang isang tao (panoorin po sa Facebook page ng AND KNK ang full video ng kanyang pagsasalita, sa www.facebook.com/ANDKNK).

Sa pansariling karanasan ni Julian, stress at pressure sa pamilya at sa trabaho ang naging ugat ng problema, na nag-udyok pa sa kanya na sumubok magpakamatay ng apat na beses! Mabuti na lamang at nakalapit siya kay Dr. Randy Dellosa, at ngayon ay nababago na ang kanyang katayuan tungo sa paggaling.

Well, salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus! Tunay na walang problemang di malulutas. Sa parte naman ng AND KNK, isang solusyong nakikita namin ay ang pagtuklas kung ano ang nilalaman ng Bibliya ukol sa isip. Marami palang mga bersikulo doon ang may kinalaman sa kagalingan ng isip, na kung aaralin at susunding mabuti ay makakatulong ng malaki. Tumawag po sa akin para sa mga bersikulong ito!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here