IT IS NO secret that I write in three languages — English, Filipino and Hiligaynon.
My best works in fiction and poetry are in Hiligaynon.
My best plays and children’s poetry are in English.
My best screenplays are in Filipino.
I write poetry, fiction, and drama in Filipino, too.
*
I haven’t won a major award in my fiction in Filipino, but I am pretty competent in the language.
In fact, I have done several translations of my English and Hiligaynon works into Filipino.
For example, I have translated my first prize Palanca-winning Hiligaynon story “Si Padre Olan kag ang Dios” into Filipino for a wider readership.
The story is now studied by junior high school students in the country as part of some textbooks that discuss Philippine literature from the regions.
My story is being discussed as a representative literature of Western Visayas.
This now is the second movement of the story that I started serializing last week here in Panay News:
*
Si Padre Olan at ang Diyos
© Peter Solis Nery
(Continued)
*
Sumunod kay Don Beato ang Knights of Columbus na pinangungunahan nina Grand Knight Eugenio at Chancellor Benjamin. Miyerkules ng gabi sila nakipagkita kay Padre Olan. Kasama nina Knight Enying at Chancellor Ben sina Sir Knight Caloy, Knight Paeng, at Knight Kiko.
Malaki ang kutob ni Padre Olan na nasulsulan lang ni Don Beato ang mga kasapi ng K of C. Tatlo sa lima, mga magsasaka rin, at si Chancellor Ben ang binibilhan ni Don Beato ng pataba para sa kanyang palay.
*
Si Grand Knight Enying ang itinuturing na “citrus king” ng Buenavista dahil siya ang nagmamay-ari ng pinakamalapad na taniman ng mga suha at kalamansi. Siya ang unang nagsalita nang makaupo na silang lahat sa tanggapan ni Padre Olan.
“Dahil kami naman ang mag-iisponsor ng misa sa Linggo, Padre, hindi problema sa amin na gawin nating natatangi ang pagdiriwang ng misa sa pista ni San Juan. Nagkaisa naman ang lahat para sa espesyal na araw ng pagdarasal para umulan.” Walang bahid ng pag-aatubili ang tinig ng grand knight, parang nakatitiyak.
“Mag-iikot at mag-aanunsiyo kami ni Knight Kiko sa Biyernes at Sabado para maipabatid ito sa mga taga-baryo,” dagdag ni Knight Caloy. “Tiyak kong marami ang nais dumalo sa padasal dahil hindi na talaga matiis ang napakahabang tag-init na ito. Halos matuyo na pati utak ng mga tao sa labis na init. Sa ngayon, ang lahat ay nangangarap ng kahit pa ambon na lamang.”
*
Hindi mapakali si Padre Olan sa sigla at sigasig ng mga Knights of Columbus. Lumapit sila sa kanya na buo na ang isipan. Hindi sila naparoon para sumangguni o humingi ng kanyang panukala, dumulog sila para magdikta ng kanilang kagustuhan.
“’Wag kayong padalos-dalos. Hintayin ninyong makapagpasiya ako. Kailangan ko pang isangguni sa arsobispo ang balak ninyo. Hindi ko basta-basta na lang mabago ang kalendaryo ng mga misa at kapistahan ng mga santo,” paliwanag ng pari.
“Ngunit, Padre,” sabi ni Knight Paeng, “kailangan nating ipagsamo ang pagbuhos ng ulan sa lalong madaling panahon. Kailangan nating manalangin nang lubos.”
“Ang lahat naman ay nananalangin sa kanilang mga puso, hindi ba?” palusot ni Padre Olan.
“Subalit iba ang dating kung ang buong kongregasyon ang magdarasal sa loob ng simbahan, Padre,” sagot ni Grand Knight Enying.
*
‘Buong kongregasyon,’ ‘sa loob ng simbahan,’ ‘espesyal na araw ng pagdarasal’—mga salita iyon ni Don Beato. Parang kinumpirma ng K of C ang hinala ni Padre Olan na nautusan lang sila ng don. Patago, nakaramdam siya ng galit. Hindi lang kinokontrol ng don ang isang samahan sa simbahan, parang pinagtutulungan pa nila siya. Nagpasiya ang pari na panindigan ang kanyang posisyon. Hindi siya isang alipin na tatanggap na lang ng utos mula kanino mang don. Hindi siya isang weyter na tatanggap na lang ng order!
*
Nagpaulit-ilit ang kanilang usapan. Walang magpadaig, walang magpatalo. Lahat may punto, lahat may katuwiran. Gabi na subalit maalindangan pa rin ang hangin, parang nagkorta ng mga utak nila, hinigop lahat ang kanilang pagtitimpi. Nais ng mga kasapi ng Knights of Columbus ng isang natatanging araw para lang ipagdasal ang pag-ulan. Marami lang dahi-dahilan si Padre Olan. Kesyo hindi raw niya gustong lumabag sa kalendaryo ng simbahan, at—marahil nga ay totoo rin naman—hindi niya tiyak kung maaring baguhin ang liturhiya para mapagbigyan ang mga sumasampalataya na ngayon nga ay dumudulog at nakikiusap sa kanya.
*
Ang pari ang may huling salita. Aniya, dapat magkaisa ang tinig ng mga sumasampalataya sa pagbigay puri sa Diyos at sa paghingi ng higit na mga mahalagang bagay kagaya ng kapayapaan sa buong mundo at pagtalikod ng puso ng buong sangkatauhan sa kasalanan patungo sa Panginoong Hesu-Kristo. Dagdag pa niya, sumasamba at nananalangin tayo upang magbigay kapurihan sa Diyos, at hindi upang magdikta ng ating mga kailangan. Hindi raw weyter ang Diyos na tumatanggap lang ng order.
Umiling-iling lang ang mga kasapi ng Knights of Columbus.
*
Catch the third movement of this story on Wednesday.
I’m rather proud of this story.
It was the last story that the late Leo Deriada raved about.
He adjudged it first prize at the 2013 Palanca Awards.
And when I went to thank him in Iloilo after the awards ceremony in Makati (the judges aren’t made known before the awarding), he just said, “It’s just a perfect story.”
*
I wanted to ask him more about what made it a perfect story, but I could sense from his expression that he was just blown away by my growth as a writer.
Perhaps it was my maturity in telling a great story.
Perhaps it was my masterful handling of the elements of the story.
Or, perhaps, as we, writers, say, I should just let the story speak for itself. (To be continued/PN)