PSN’s ‘Si Padre Olan at ang Diyos’, Part 8

I REALLY understand that I am an acquired taste.

I do not delude myself that I am a favorite read of everybody.

I know I have fan readers in Panay News.

(Because readers tell me!

And because my editors tell me!)

And that’s the reason why I write the way I write.

I know I have my own followers.

Which may not be in millions, but are loyal to me.

*

It is no secret that I write in three languages—English, Filipino, and Hiligaynon.

My best works in fiction and poetry are in Hiligaynon.

My best plays and children’s poetry are in English.

My best screenplays are in Filipino.

I write poetry, fiction, and drama in Filipino, too.

*

I haven’t won a major award in my fiction in Filipino yet, but I am pretty competent in the language.

In fact, I have done several translations of my English and Hiligaynon works into Filipino.

This Filipino translation of my 2013 first prizewinning Palanca story in Hiligaynon—Si Padre Olan kag ang Dios, hopes to prove my mettle in the national language.

But more than that, I want to show that I am a master storyteller in whatever language.

I want to show that the Ilonggo imagination is vast and great.

That our literature, especially from the hands of a master, deserves a translation for wider readership.

*

Here now are the final scenes of the Padre Olan story in Filipino translation.

May it offer you hope.

May it strengthen your faith in the God of miracles.

May it give you a sense of prayer.

And of Christmas.

Understand that I wrote this for you.

Because I believe in your own goodness.

Be nice. Be kind.

Be kind to one another.

*

Si Padre Olan at ang Diyos

© Peter Solis Nery

(conclusion)

*

Bago siya pumasok sa kumbento, pinagmasdan ni Padre Olan ang mga tao na malamang ay nakalimot na pista pala ni San Juan Bautista ng Linggong iyon. Masaya sila, at mukhang mas Kristiyano kaysa sa karaniwan. May mga mesa ng pagkaing ihinanda ang CWL at K of C, at ang lahat ay nakibahagi sa kung ano ang meron sila. Mangiyak-iyak ang mga mata ni Padre Olan nang nakita niyang tinanggap ni Don Beato ang nilagang saging na inalok sa kanya ng isang marungis na matanda. Anong himala ang dulot ng natatanging araw ng pagdarasal para umulan sa puso ng mga tao? 

*

Tiningala ni Padre Olan ang langit. Wala ni isang manipis na ulap. Wala kahit anong palatandaan na darating ang hinihinging ulan. Hindi na niya pinigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

*

Dahil sa matinding pagod, nakatulog si Padre Olan na hindi nakapananghalian. Parang naubusan siya ng lakas sa idinaos na liturhiya. Lubhang napakarami ng nagsimba at sumali sa ritwal ng pagsamba. Parang hinigop nila ang kaniyang buong lakas. 

Pagpasok niya sa kumbento, naupo lang siya para sana magpaluwang, at sa gayon, mahimbing na siyang nakatulog. 

*

Mag-aalas tres na ng hapon nang ginising ni Aling Paquit ang pari. Puno ng kasabikang niyugyog ni Aling Paquit ang braso ng pari, “Padre! Padre, gising! Padre!”

Nagulantang si Padre Olan.

*

“Padre, tingnan mo ang langit! Pagmasdan mo sa bintana!” nanginginig si Aling Paquita. Tumutulo ang kanyang mga luha sa labis na pananabik. “Himala, Padre! Himala!” 

Sa labas ng bintana, halos hindi mapaniwalaan ni Padre Olan Javellana ang kanyang nasaksihan. Sa langit, mabilis na nabuo ang mga ulap. Kung saan sila nagmula, walang nakakaalam. Paano maaarok ang nangyayari? 

*

Napakabilis ng lahat. Lumaki ang mga ulap. Kumapal. Nangitim. Sa isang kisapmata, ang nangingintab na puting mga ulap ay napalitan ng makulimlim na kulay abo. Mga dagim. Malalaking dagim. Isa lang ang pinapahiwatag. Di magtatagal at ang namumuong ulan ay babagsak na. Nangingitim ang mga ulap sa kalangitan. Nagbabadya ng pagdating ng ulan!

Tumigil ang mga tao sa daan. Huminto sa paglakad. Lumabas sa kanilang mga bahay. Pati ang mga dyip at traysikel, dumulog. Bumaba sa mga sasakyan ang mga pasahero. Tumingin ang lahat sa langit. Napanganga ang mga bunganga sa pagkamangha at pagkagulat. Isang palaisipan ang tanawin sa langit. 

*

Nakaramdam si Padre Olan ng ihip ng hangin. Mahina sa simula, subalit nagpatuloy, hanggang ito’y lumakas. At batid niya, papatak ang ulan. Babagsak ang ulan! 

May damdaming bumukal at dumaloy sa kaloob-looban at puso ni Padre Olan. Pasalamat? Pagpuri? Nabuhay na pananampalataya? Bagong pagkakilala sa Diyos? Ewan, hindi niya mabigyang pangalan. Hindi niya maunawaan. Subalit napakalakas ng pagbuhos ng damdaming ito kaya hindi niya napigilang umiyak. Hindi siya balat sibuyas, subalit tumulo ang kanyang mga luha, umagos na parang bukal. 

*

Tumakbo ang pari palabas ng kumbento patungo sa mga kalye. Nakisiksik sa mga taong nananalanging umulan. Marami ang napaluhod sa kanilang kinaroroonan. 

Si Padre Olan, tumingala sa langit. Itinaaas ang kanyang mga braso sa pagyakap ng langit. Ibinukas ang kanyang mga kamay. Hanggang naramdaman niyang pumatak sa kanyang mga palad ang unang mga butil ng ulan, parang mga pako ng maluwalhating pagmamahal ng makapangyarihang Diyos. (500tinaga@gmail.com/PN)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here