[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Quiapo rumble ng mga bata: mga magulang ang may sala’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 9, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Turuan ang mga bata sa landas na dapat nilang tahakin habang sila ay bata pa, at ito ay hindi na nila lilimutin kahit sila ay tumanda na rin…” (Kawikaan 22:6, Bibliya).
-ooo-
QUIAPO RUMBLE: MGA MAGULANG ANG MAY KASALANAN SA KALOKOHAN NG MGA ANAK: Mga magulang na kumukunsinti sa kalokohan ng kanilang mga anak ang may sala kung lihis na sa magandang asal at lulong na sa kasamaan ang kanilang mga supling. Ang ganitong mga magulang ay siya mismong nagdadala sa kanilang mga anak sa kapariwaraan at tiyak na kamatayan.
Ito ang katotohanang ipinakita ng ilang mga tatay at nanay mula sa Manila, na nakuha pang magreklamo laban sa mga social welfare officers ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na humuli sa ilang mga kabataang nag-rumble malapit sa Quiapo Church noong madaling araw ng Huwebes, Pebrero 08, 2018.
Isipin mo, imbes na magpasalamat ang mga magulang na ito sa mga opisyales ng DSWD na pumigil sa panggugulo at kapahamakan ng kanilang mga anak, sa isang pampublikong lugar pa mandin, nakuha pa nilang akusahan ang mga social welfare officers ng paglabag diumano sa karapatan ng mga bata. Dapat siguro, upang madisiplina ang mga bata, ang unang ikinukulong pag nanggugulo sila ay ang kanilang mga magulang mismo.
-ooo-
MGA MAGULANG DI MAKAPAGTURO NG MAGANDANG ASAL, KASI WALA DIN SILANG ARAL: Sa totoo lang, sa bawat bata na gumagala sa mga lansangan kahit dis-oras na ng gabi o ng madaling araw, at sa bawat bata na malalakas ang mga loob makipagbasag-ulo kung saan-saan, o gumawa ng mga kabalbalan, tiyak na ang mga magulang nila ay nagpabaya sa kanilang mga tungkulin, lalo na sa tungkuling turuan ng magandang asal ang kanilang mga anak.
Hindi naman kasi gagala ang mga bata sa kung saan-saang lugar, sa mga delikadong oras, hindi sila mangangahas makipag-babag o makipag-away sa mga kapwa nila bata o sa ibang tao, at hindi sila magkakaroon ng tapang gumawa ng kalokohan kung naturuan sila ng kanilang mga ama at ina ng good manners and right conduct, at ng pag-ibig at takot sa Diyos.
Ang problema lang talaga ng mga kabataan sa ngayon, hindi sila naturuan ng kabutihang-asal sapagkat walang kakayahan ang kanilang mga magulang na sila ay gabayan sa tanging daan ng kabutihan ng buhay. Ang mga magulang mismo ay walang disiplina, hindi nakakaunawa ng mabuting asal, kaya’t wala din silang maituro sa kanilang mga anak.
-ooo-
TURUAN ANG BATA SA LANDAS NA DAPAT NIYANG TAHAKIN: Ayon sa mga makapangyarihang aral, ang bata ay dapat tinuturuan sa landas ng kabutihan habang sila ay bata pa. Kung naturuan ang mga bata kung papaano maging disiplinado at maayos sa pamumuhay habang sila ay bata pa, hindi na nila ito malilimutan, at hindi na nila ito hihiwalayan. Kung walang naituro sa kanila habang sila ay lumalaki, maiiwan sa kanila ang kagaspangan ng ugali.
Ano nga ba ang dapat itinuturo sa mga bata habang sila ay lumalaki pa lamang? Ito ay ang katotohanang may Diyos na lubhang makapangyarihan, na may kakayahang bigyan tayo ng mabuti o mahirap na buhay, depende sa ating pagkakaroon ng takot at pagmamahal sa Kanya. Kung may takot at pagmamahal ang mga bata sa Diyos, susunod sila sa Kanyang mga utos.
Kung susunod sa mga utos ang mga bata, matututo silang umibig sa Diyos ng buong puso, buong lakas, at buong isip. Matututo din silang umibig sa kanilang kapwa, gaya ng pag-ibig nila sa kanilang mga sarili. Pag ganoon ang kanilang natutunan, mapapasa-kanila ang kaginhawan at kasaganaan. Pag hindi ganoon ang natutunan nila, kahirapan at kaguluhan ang mararanasan nila at ng kanilang sariling mga anak.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]