Rebolusyon kontra Koko, Bebot sa PDP Laban

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Rebolusyon kontra Koko, Bebot sa PDP Laban’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Wednesday, February 21, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Kalulugdan tayo ng Diyos nating si Yahweh kung susundin natin nang buong katapatan ang lahat ng ipinag-uutos niya sa atin’…” (Deuteronomio 6:25, Bibliya).

-ooo-

REBOLUSYON KONTRA KOKO, BEBOT SA PDP LABAN: Matindi ang namumuong galit kina Senate President Aquilino Koko Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez Jr., ang kasalukuyang pangulo at secretary general ng PDP Laban (ang partidong nagsulong ng kandidatura noong 2016 ng Pangulong Duterte), ng mga nagsasabing mga orihinal na kasapi sila ng partido mula pa noong itatag ito noong 1980s.

Dahil sa galit na ito ng mga orihinal na party members ay bumuo na sila ngayon ng isang grupong ayaw na nilang tawaging PDP Laban. Tinatawag nila ang bagong grupo nila bilang Hukbong Federal ng Pilipinas, at, batay sa kanilang pagpapahayag sa kanilang Messenger Chat Group, nasa kanila na ang iba pang mga “orig” ng PDP Laban mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ayaw na din nilang tawagin silang mga kasapi ng PDP Laban, bagamat patuloy silang sumusuporta kay Pangulong Duterte at sa isinusulong nitong pagbabago ng gobyerno mula sa kasalukuyang sistema patungo sa federalismo. Ang tawag na nila sa kanilang sarili ngayon ay mga “Ka-Hukbo”.

-ooo-

MGA `ORIG’ PDP LABAN KINUKUWESTIYON ANG PERSONAL INTEREST NG MGA PINUNO: Ang kasalukuyang namumuno sa Hukbong Federal ng Pilipinas ay ang dating barangay captain sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City, si Ginoong Domingo A. Canero, na ngayon ay president emeritus ng isang eskuwelahang pang elementarya at high school sa naturang lungsod. Niliwanag niya, at ng iba pang mga kasama niya sa Messenger Chat Group nila, ang mga dahilan kung bakit humihiwalay na sila sa PDP Laban.

Una, pinupulitika na lamang diumano ni Alvarez at ni Koko Pimentel ang pagpasok ng mga bagong kasapi ng PDP Laban. Hindi na dumadaan sa pag-aaral ng mga doktrina o mga prinsipyong ipinaglalaban ng partido ang mga bagong kasapi, dahil basta lumapit diumano ang mga ito kay Alvarez at Pimentel, “oathtaking na agad…”

Ayon kay Canero, “panahon na para kumilos ang mga kasapi ng PDP Laban, huwag basta-basta susunod sa gusto nila. Matagal na naging sunud-sunuran (ang mga kasapi) sa gusto ng (mga) namumuno, na ginagamit lang ang mga miyembro para sa kanilang sariling interest. Nawala na ang ideolohiya at prinsipyo ng partido…kaya marami ng walang tiwala sa partido sa mga loyal at lehitimong PDP Laban…”

-ooo-

“WALANG SILBI ANG PDP LABAN”: Sa ikauunawa ng lahat, hiningi ko kay dating Kapitan Canero na mailabas ko ang palitan ng mensahe ng mga miyembro ng kanilang Messenger Chat Group (sa Hukbong Federal ng Pilipinas), at pumayag naman siya. Ang mga mababasa po dito ay sentimiyento ng iba’b ibang kasama sa Chat Group: “… Ngayon wala na din akong tiwala, kasi hindi na maganda ang nangyayari. Ang mga Liberal Party ay tinanggap nilang lahat na walang kahirap-hirap…”

Mula kay Butch Atienza Colasito ng Leyte: “Tama, walang silbi ang PDP Laban. Ang mga nagpakahirap ay pinarusahan. Ang mga traydor na kalaban natin nung eleksiyon ay siyang ginantimpalaan ng partido. Nakakalungkot nawala ang prinsipyo. Ako rin, tinanggal ko na PDP Laban sa profile ko…”

Mula naman kay Silverio Purificacion, ang auditor ng Hukbong Federal ng Pilipinas: “PDP Laban nowadays has three factions already. The originals are those members who entered the party way back 1982 to 2000… The other faction are those people after President Duterte won… The other faction are the people who are near and dear to Koko and Bebot…” Open po ang kolum na ito sa sagot nina Koko at Bebot!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here