
UMARANGKADA pa ng husto si Senador Lito Lapid sa pinaka-huling survey ng Social Weather Station (SWS) para sa Senatorial midterm elections sa Mayo 12.
Sa SWS survey, nasungkit ni Lapid ang number 3 rank na may 34 percent ng mga respondent ang boboto sa kanya sa 2025 elections.
Nangunguna si Senador Bong Go at ikalawa si Senador Erwin Tulfo.
Sa isang panayam sa Agoo, La Union, sinabi ni Lapid na nagpapasalamat siya sa biyayang ito ng Panginoon at sa mga kababayan nating patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.


“Natutuwa ako at nagpapasalamat unang-una sa ating mahal na Panginoon at sa ating mga kababayan sa buong bansa na patuloy ang suporta at pagmamahal nila sa akin. At yan po ay susuklian ko rin ng tapat, malinis na paglilingkod sa kanila at mamahalin ko lalo sila, lalong-lalo na po ang mga mahihirap nating kababayan,” ayon kay Lapid
Giit ni Senador Lapid, ipagpapatuloy niya ang tapat na paglilingkod at pagsusulong ng mga panukalang batas na kapaki-pakinabang sa mga mahihirap nating kababayan.
“Asahan din po nila na gagawa tayo ng mga batas na nakatutok sa pagkakaroon ng pagkain sa mesa, turismo at trabaho, edukasyon, kalusugan, at para sa mga senior citizen,” dagdag ni Lapid
Sa naunang SWS survey noong December 2024, tumalon ng 8 ranks si Lapid mula sa number 11 na slot.
Nanatili naman si Lapid sa ranks 3-5 sa SWS surveys noong January, February at March, 2025.
Isinagawa ng SWS ang face-to-face interviews nitong April 11-15, 2025 sa may 1,800 registered voters mula edad 18 pataas.
Habang patuloy naman ang paglilibot ni Senador Lapid sa ibat-ibang bayan sa Northern Luzon upang makahalubilo ang mga Pilipino at mariinig kung ano pa ang kanilang mga pangangailangan, kung papalarin ito na ang pang apat na termino ni Lapid sa senado.