
SA GITNA ng matinding init ng panahon, nagpatuloy si Senador Lito Lapid sa paglilibot sa Panay island nitong Lunes ng hapon, March 17.





Kasing init ng panahon ang naging pagsalubong kay Lapid ng mga residente sa bayan ng Anini-y, San Joaquin, Miagao, Guimbal, Tigbauan at Oton.
Nauna rito, naglibot si Lapid sa bahagi ng Antique province nitong Lunes.
Sinimulan ni Lapid ang pangangampanya sa Pandan, patungo ng Bugasong, Belison, San Jose de Buenavista, Hamtic at Tobias Fornier, Antique.
Ang tinaguriang Supremo ng Senado ay may naisumiteng higit 900 bills at higit 100 dito ang naging batas na.
Kabilang na rito ang landmark measure ni Sen Lapid na FREE LEGAL ASSISTANCE LAW o LAPID LAW (Republic Act No. 9999).
Ilan pa sa inakda ni Lapid ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at Adopt-A-Wildlife Species Act.