The Pink Bias, Part 1

FOURTEEN years old ako nang maintindihan ko ang salitang “assassination”. 

As in, ni-research ko talaga ang pinagkaiba ng “assassination” (pagpaslang for political or religious reasons) at “murder” (pagpatay for personal reasons).

Malay ko ba sa assassinations nina JFK at MLK sa America. Pero ang paslangin ang isang dating senador, kahit pa ito ay opposition o salungat sa paniniwala ng Bagong Lipunan ng mga Marcos noong Dekada ‘70, that gets to a 14-year-old Boy Scout and consistent first honor student.

Kung hindi ka tanga, historical events can change your life, and outlook in life.

***

History teacher ang tatay ko. Palabasa s’ya ng diyaryo.

Ako, mahilig lang talagang magbasa; and I read everything, kahit na pambalot sa daing at bagoong.

Tandang-tanda ko ang Daily Express na diyaryong kontrolado ng gobyerno. 

Tapos, ang tatay ko, para hindi mahuli sa balita, patagong bumibili ng (Ang Pahayagang) Malaya (founded 1981), Mr. & Ms. Special Edition (founded 1983), at Philippine Daily Inquirer (founded in late 1985).

S’yempre pa, binasa rin ako ang mga ‘yon. 

Kaya kung may brainwashing na nagaganap, na-brainwash talaga ako ng oposisyon in the 1980s.

***

Kung marami ka binabasa—pros and cons, mas madali mong mapagtanto ang totoo. 

You can feel the truth in your bones if you are not biased, if you are well-read and well-informed.

Bata pa lang ako, mabilis ko nang kilala ang nagsisinungaling at hindi mapagkakatiwalaan.

Sabi nga ng mga tao, I’m a good judge of character.

Kaya hindi pa ako naloloko ng mga pag-ibig na iyan.

***

Dati-rati, hangang-hanga ako sa pagpapatayo ng Cultural Center of the Philippines (nakaka-proud kayang mag-host ng Miss Universe pageant), San Juanico Bridge, Philippine Heart Center, kidney institute, lung center, mga tulay kung saan dapat walang tulay, at mga kalsada na substandard ang materials para dapat ipakumpuni kapag malapit na ang eleksyon, et cetera.

Mga proyekto itong bahagi ng “edifice complex” ni Imelda para mapakita namang may pakinabang ang diktaturya ni Marcos, pati na ang Martial Law.

***

S’yempre, lalaplapin at papapakin naman ng mga patay-gutom na Pilipino ang narratibong ito. 

Pero ‘yong nagbabasa, nagri-research, nag-iiisip, at nag-aanalisa, makikita nila ang kickback, ang nakaw, ang komisyon, ang por ciento, ang utang ng bansa, ang mamanahing utang ng susunod na generasyon (at susunod na Presidente), at ang mga pagbabayaran ng mga anak at apo.

***

Edifice complex: magagara at mamahaling buildings para mag-cover-up sa totoong kahirapan ng mga mamamayan, para cover-up sa pagnanakaw ng perang inutang sa World Bank. 

Imagine: utang, 100 million; building, 60 million; bulsa, 40 million. Ganern!

***

Research n’yo na rin: CCP, P69 million; Coconut Palace, P37 million; Manila Film Center, P57 million. 

Tatlong gusali for P163,000,000 sa panahong walang makain at nangangamatay ang mga buto’t balat na mga bata sa Negros. 

(Sorry, Negros, ito kasi ang larawan na mas nakintal sa isip ko kesa sa Smokey Mountain kung saan namumulot ng basura ang mga bata para may makain.)

***

In fairness, hindi naman kami namasura para makakain sa Iloilo, at kahit pa sa Mindanao. 

May nutri-buns kami, nutri-noodles, at may feeding program. 

Akala ko talaga, kabutihang loob ang mga iyon ng diktaturya, pambili ng aming loyalty, obedience, non-violence, non-rebellion. 

Bakit nga ba naman kami magrireklamo, e, may pakain nga? 

Pero USAID pala ampotah! Tulong na padala ng America! Ayuda.

***

So, please lang! 

Wala akong utang na loob sa diktaturya ng mga Marcos. AKO ANG NAGPATAYO NG CCP AT NG SAN JUANICO BRIDGE! — You can quote me on that!

Buwis ng mga magulang ko ang nagbayad, at patuloy na nagbabayad ng mga utang na iyon. Check n’yo ang figures ng Bangko Sentral at NEDA. 

Utang ng Pinas (external debt) Before Marcos: $460,000,000 (460 million dollars); Right After Marcos: $18,800,000,000 (18.8 billion dollars).

***

Kung walang naipatayong gusali si Cory Aquino sa kanyang anim na taong pagkapangulo, iyon ay dahil wala siyang perang pambayad sa utang ni Marcos na minana ng kanyang administration. 

At kung hindi siya magbabayad ng utang ng Pilipinas, wala namang magpapautang pa sa Pilipinas. (To be continued)/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here