ON DECEMBER 1, 2020, I established The House of Peter on Facebook for the Filipino youth online.
This is Part 4, and the conclusion, of my Inaugural Speech, which started as “LOL: The Legacy of Love,” and continued as “Truth, Beauty, and Goodness,” and “Three Lovely Emojis.”
*
Wait, ang haba na nito, pero ‘yong LOL! Sana, in addition to loving, matuto po kayong maging masaya. To always try to laugh out loud.
This is a sad world. Lalo pang pinalungkot ng COVID. Marami ang mentally stressed at depressed. Marami ang feeling worthless. Marami ang suicides.
*
Sad but true: ang reason kasi ay sa internet tayo naghahanap ng kalinga.
Stressful po ang internet. Kahit akong patawa, nagiging stress din ninyo.
Ano ang na-miss mo na sinabi ni PSN? Bakit hindi mo gets? Bakit sila ang bilis mag-react, ang witty ng reply, ikaw ang slow, mukhang bobo?
*
Makita mo pa lang na mahaba ang post ko, stressed ka na. Kahit pa good news at Gospel Truth, o real talk naman ang sinasabi ko. At pilit kong sinasahogan ng humor ang lahat ng posts ko.
*
Mag-boyfriend at mag-girlfriend po kasi kayo. Magkajowa.
Maglambing sa parents, sa mga kapatid, sa aso.
Hug people! — I know COVID time para rin! Pero kung healthy kasambahay lang naman, go na!
*
Hug nanay at tatay? Hug kuya at ate?
Dyahe, of course, kasi hindi n’yo karaniwang ginagawa.
But these are fucking not ordinary times!
Di mo alam kung kailan kukunin ng COVID ang parents or kapatid mo!
*
Kaya ako, “Love you” palagi ang pa-goodbye ko sa inyo, para kung matege man kayo bukas, at least, nasabi kong mahal ko kayo. Wala akong utang. Wala akong pagsisisihan.
My husband was a very lucky man. Kasi ang last words na narinig n’ya, ako ang nagsabi: “I love you, sweetheart. I love you very much!” (E, sa alam ko nang matetege na, remember nurse ako, di ko pa ba sasabihin?) Nang marinig n’ya ‘yon, sumiguk-sigok ang gago at tuluyang di na huminga.
*
Hug your family please. Lambingin n’yo sila as if it’s the last time.
Kahit nitong unang araw ng pagiging member ninyo lang ng The House of Peter.
Kung gago ang kapamilya mo at manibago, sabihin n’yong membership challenge o application requirement o initiation ritual para maging ganap na housemates in The House of Peter.
*
Bayaan mo silang magtaka.
Magugulat sila, pero secretly, matutuwa ‘yon kasi, kailan mo nga ba talaga sila huling niyakap nang mahigpit, nang buong minuto, nang buong 60 seconds, na parang bata ka uli?
*
Membership requirement ‘yan. Hindi ko kailangang i-check. Hindi ito module ng DepEd.
Bahala kayo kung ayaw n’yo maging totoo, o kung gusto n’yong mag-cheat sa dare ko na ipinapagawa sa inyo.
*
I’d really like you to do it. Challenge, challenge, challenge! AND WRITE about the experience. Gusto ko marinig ang reaksyon ng pamilya mo. Gusto kong malaman ang pakiramdam mo before, during, at after. Gusto kong malaman kung ano ang resulta sa mga ugnayan ninyo sa bahay. (O kahit pa walang malaking epekto.)
*
For this exercise, write something real. Something totoo, beautiful, and good. ‘Yong galing sa puso. Lumabas ka muna sa RP personality mo. I promise you, this will be a wonderful material sa mga susulatin n’yo pa in the future, and for the rest of your life. Kahit pa porno ang gusto ninyong sulatin.
*
Gusto ko, kung malalaman ng parents o kapatid o kasambahay ninyo in the future why you hugged them so tight on Dec. 1, 2020, gusto ko masabi nilang, “Ampotang PSN na ‘yon, bunganga n’yang imburnal nagkumbinsi sa anak/kapatid ko na yakapin ako nang isang yakap na matagal kung hinintay, matagal kong gustong madama. Putang-inang PSN na ‘yan, naging close kami ng anak/kapatid ko sa Pasko sa taon ng COVID. Mamatay na sana ang PSN na ‘yan para hindi na s’ya magkasala pa, at derecho na siyang maging santo sa langit. Puchang PSN ‘yan! Pati ako napamura, pero OK ang pakiramdam ko, dahil alam ko, minahal din ako ng anak/kapatid ko. Oh, my God, my God, ito ang isa sa pinakamasayang Pasko ko kahit pa wala kaming halos makain, kahit naghihikahos kami sa COVID. Ang baklitang gagong PSN pa rin ang nagpaalala sa mga kabataan na pagmamaha l— kahit pa sa pagyakap man lang ng buong 60 seconds — ang diwa ng Pasko.”
*
At kung ito’y kuwento o kathang-isip lamang, ganito tayo magtatapos:
“At mula noon, minsan sa isang linggo, nagyakapan ang pamilya/ mag-ina/ mag-ama/ magkakapatid. At sa linggo ng Pasko, nagyakapan sila araw-araw. At nabuhay sa mga puso nila ang pamana ni Hesu Kristo na isinilang sa sabsaban — isang Pamana ng Pagmamahal ng Diyos sa anyo ng Pag-ibig na nagkatawang mortal.”
Housemates, welcome to The House of Peter.
Welcome to the Legacy of Love.
Welcome to your home.
Welcome to Love.
I love you very, very, very, much!/PN