Three lovely emojis

FOR MOST of November, I was online talking to kids, teenagers mostly, of the role play writing community.

I felt the need for me to affect their “lost” online wanderings.

On Dec. 1, 2020, I established The House of Peter on Facebook.

This is Part 3 of my Inaugural Speech, which started as “LOL: The Legacy of Love,” and continued as “Truth, Beauty, and Goodness.”

*

So, ‘yon! Kung napapansin ninyo ang FB activities ko, tatlong emoticons/emojis lang ang kadalasang gamit ko sa Facebook: heart, wow, at haha.

Gusto kong pag-isipan at subukan ninyo ito.

*

Imbes na i-like, i-heart na. 

Kakausapin ko si Mark Z. na palagyan ng pink heart.

Pero kung walang mangyari, at least secreto natin na pink talaga ang intention ng red heart na ‘yan.

*

Once na masimulan ninyo ang idea ng heart react, in three weeks, gaganda na ang buhok ninyo, aaliwalas ang mukha ninyo, at magiging less stressed kayo dahil madidiskubre ninyo na “love” n’yo pala — heart n’yo pala — ang maraming bagay na dati ay “like” n’yo lang.

*

Sa three weeks ninyong gamit ng haha/laughing emoji, mananaig din sa personalidad ninyo ang pagiging palatawa. 

Maiibsan ang init ng ulo ninyo kahit pa may regla o delayed ang regla. 

*

Five years na rin akong naglalaugh emoji. And I can really say that it has helped me to be a happier person.

Hindi ako madaling magalit. Pero masama akong magalit.

*

Nagagalit lang ako sa sinungaling (laban sa Katotohanan); 

kasamaan, krimen, injustice o kawalang hustisya (laban sa Kabutihan); 

at sa kapangitan ng asal ng mga tao o mga pangit na fashion trends (laban sa Kagandahan). 

Hindi maganda ang lahat na nagti-TikTok, hindi lahat maganda sa mga porno o sex scandals. 

At hindi maganda ang karamihang sinusulat, kabilang na ang porno. 

Kung maganda ang pagkasulat, erotica ‘yon. Kung pangit, porno.

*

Sino ang magdidesisyon ng erotica at porno? Ako! 

Bakit? Dahil ako ang nakakaalam at nakakaintindi. Ako ang may marami at malawak na binasa at karanasan.

At nakapag-aral tungkol sa usaping ito.

Ako ang may library nang mahigit 3,000 books at 2,500 videos na may collection ng mga porno at erotica. 

Yes, may Playgirl magazine collection (lalaki ang modelo imbes na babae ng Playboy) ako na mula 1998-2002 pa.

*

Pero, balik tayo sa emoji. 

Yang wow emoji ay nagdudulot ng sense of wonder or amazement. Kaya feeling ko, child ako na napapa-wow sa mga post ng iba. Namamangha. 

It means na marunong pa rin akong humanga. 

May humility doon. Hindi ako inggitero. 

*

Madalang akong mag-wow emoji dahil marami na akong nakita sa paglalakbay ko sa buong daigdig, pero nagwa-wow pa rin ako.

Hindi ako inggitero. Supportive ako!

*

Almost never akong nagsasad face emoji. 

Ayoko kasing kunsintihin ang mga paawa sa social media.

Happy ba sila kung makatanggap ng crying emoji ang paawang post nila? 

Ampotah, talagang isa-status post mo ang kalungkutan mo?

*

At magagalit kayong masabihan na “snowflakes” o balat-sibuyas at mahihina kayo who belong to this generation?

Kung binu-bully ka, i-report mo sa barangay o pulis. ‘Wag kang paawa sa social media. Kasi bibigyan lang kita ng laughing emoji! 

*

Kasi tanga ka! Binu-bully ka na pala, e. 

E, di, labanan mo. Ipapulis mo. 

Ano magagawa ko kung binu-bully ka at nandito ako sa America? 

Matutulungan ka ng sad emoji? O maawa ka lang sa sarili mo?

*

3 emojis to help you improve your lives and moods: (pink) heart, haha, and wow! 

Try mong i-limit ang iyong reactions sa tatlong ito for three weeks para sa tamang haba ng buhok at para sa pagkinis ng kutis.

Kung hindi maalis ang tagihawat sa tatlong linggo, pucha, magpaderma ka, ampotah!

(At maghilamos five to seven times a day, tubig lang po at Perla detergent/laundry soap!)

*

This essay concludes with Part 4 as “The Yakap Challenge” in my next column. (To be continued/PN)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here