TRANSCRIPT of SENATOR IMEE R. MARCOS’ DZRH INTERVIEW with MILKY RIGONAN

March 20, 2022 (8:15am – 8:30am)

Anchorman: Meron bang security breach or data breach sa COMELEC?

SIRM: Tama, oo, Dinedma nga nila. Deny to death, Dalawang hearing na nakalipas, ikatlo na ito e, tapos panay sabi nila wala daw nangyari, hindi raw tama, nagpapasikat lang ang media. Aba’y  ng tinanong nang tinanong doon sa executive session at kasama na ang NBI, iba na ang kwento at tunay nga na may nangyari. Kami ay nag-aalala na talagang may data breach at may security lapses talaga. Hindi matatawag na hacking technically pero talagang napasukan ang sistema ng smartmatic.

Anchorman: Gaano ba ito nakakaapekto sa magiging resulta ng eleksyon sa Mayo?

SIRM: Well sinasabi nila na kahit ganun kalaking data kasi nasa 100 MB ang data na nakuha, hindi raw relevant or importante or bago lahat yun. Ang mga personal  information daw ay mga luma although tsinek namin updated pa talaga e. Tapos ang mga password, ang mga user name ang sinasabi nila mga datihan na rin at non-operable. Pero pag tiningnan mo, andun lahat ang interface ng adobe, etc. lahat ng ginagamit ng Smartmatic nandun. At napaka-marites pa milky, pati ang hilig ng bawat commissioners,  kaysa ito naggo-golf, eto mahilig sa mamahaling red wine. Kung ano-anong personal, nagulat naman ako.

Anchorman: Ah may mga personal info din sa mga commissioners ng COMELEC?

SIRM: Oo nakakagulat, pati ang regalo na ibinigay ng Smartmatic sa COMELEC, ibinuking ano ba naman!

Anchorman: pang-espesyal na balita pala ito Senator Imee?

SIRM: Kaya nga, nakakatawa. E syempre dinedeny ng COMELEC lahat yan. Pero nakakagulat talaga kung bakit ganyan kadetalye, andun yung flowchart lahat ng proseso nung Smartmatic, kung tutuusin masusundan mo na, kung papaano ginagawa sa eleksyon. So, kahit sabihin nilang lumang password, lumang user name, somehow, hindi siguro magbabago ng radikal at masusundan mo talaga. So, yung mga IT expert nangangamba na mapapasukan yung sistema ng Smartmatic sa 2022.

Anchorman: Kung ganito ang interpretasyon ng mga eksperto, Sen. Imee. At kayo na rin bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms, so ibig sabihin, hindi malayo ang dayaan?

SIRM: Well ito nga malalim ang hugot ko dyan, kaya ito nga natatakot tayo sa dayaan at makikita mo naman sa Senate, wala talagang gustong ma-smartmagic na kandidato. Kahit yung kapatid ko, si Senator Sotto, Sen. Koko, iba iba yung kandidato namin, pero lahat talaga ayaw na ayaw na ma-Smartmagic na naman.

Anchorman: So ano ngayon ang gagawin para maiwasan itong Smartmagic na mangyari sa Mayo? Kasi ang sabi nga ni SP Sotto after the executive session, meron bang gagawin muli na pagdinig ang Senado at papaano ito makakatulong para maiwasan ang dayaan sa Mayo?

SIRM: Well ang gagawin natin talaga ay tututukan ang imbestigasyon na ito. At hahayaan muna natin ang NBI, CICC, DICT na gumawa ng thorough investigation may mga search warrant na ilalabas, alam din natin na may mga protocols at iba pang security effort ay gagawin ng DICT at IT para matrace nila kung saan talaga binenta kung saka-sakali ngang ibinenta ang mga impormasyon at kung sino itong grupong XSOS. Yun ang kailangan malaman at matumbok, so its very important kasi may sinasabi pa ang Smartmatic na binablack mail sila dati, pag di nila binili ang impormasyon ay ibubunyag. Pero kung ano- ano na ang mga istorya kayat importante na malaman natin, kung sakali kailanganin ay maghe-hearing kami muli and alamin natin ang detalye nito, bec. this cannot end here. In the meantime, nagpapasalamat ako sa media at sa taumbayan na nakatutok dito, Walang tulugan to, sabi nga ni kuya Germs, 100 years ago, walang tulugan ito hanggang Mayo 9.

Anchorman: Sen. Imee, di ba mayroon ng empleyado ng Smartmatic na hawak ngayon ng NBI, mayroon pa bang mga posibleng maaresto at ano ang posibleng pananagutan na pwedeng ipataw sa kanila?

SIRM: Yes, ito yung tinitingnan natin, kasi kung meron empleyado  baka may meron pang iba, since very important na malaman natin. (baka may kasabwat?) oo baka planted lahat yan. Malay natin ano at kung sino ang gumawa nyan. Ang sabi namin sa Smartmatic, dapat pag-ingatan naman nila yung mga kinukuha nilang tao, kasi contractual nga lang ito, bakit nakapasok doon sa Sta. Rosa facility kung saan, yung mga political parties hindi nakapagpadala ng mga kinatawan, yung ating NAMFREL, PPCRV pati poll watchdog na kinikilala lahat ay hindi makapasok, pero itong hamak na contractual employee labas-masok at ninakaw pa ang data nila. So, ito ang nakakakaba dito na isang contractual employee na apparently, hindi nila halos binet(na-vet) nang gaano, e may access sa confidential information. So they have to be really careful of it.

Anchorman: Kuntento ka na ba sa pagpayag ng COMELEC na pwede na raw ang watchers ng mga kandidato, election wathcdogs na makita ang mga imprinta ng mga balota natin?

SIRM: Well, sa wakas pinayagan, at alam mo ang masaklap nito pinayagan na nga, pero 30% na lamang ang natitirang iimprinta nila, that’s all! At saka yung iba hindi naman pwedeng pumapasok, pinayagan na ring mag-live stream that was the suggestion noon pa. So, ang akin, papaano naman 70% na naimprinta? Tapos na at may balita na iloload na yan at ididitribute sa mga probinsya. So ang usapan namin is that papayagan nilang mag-random testing sa mga balota, pero sangkatutak yan. Mahirap din magrandom test ha. Yun ding sa SD card kasi na iconfigured na. Sabi ko pwede bang i-random testing yan. Hindi daw pwede at nakapasok na sa VCM, nasealed na, e papaano yun, tatatlong rehiyon na lang ang natitira na iko-configure pa. So, that’s under negotiation that we have to make certain that we have to see also the previously configured SD card, total, sabi nila may regional hub na ngayon ang COMELEC, hopefully, mahabol pa at matesting  pa ang mga ito.

Anchorman: Sabi mo Senator Imee, walang tulugan ang gagawing pagbabantay ng Senate electoral reforms, kailan naka-skedyul ang hearing ng inyong komite?

SIRM: Medyo hirap akong mag-skedyul ng hearing ngayon, pero tuloy-tuloy tayo. pagbigyan muna natin ang NBI nang konting panahon para madagdagan ang kanilang kaalaman yung sa investigation. Pero there is some procedures on going at maghahanap ako ng time right after that, as you know yung mga kandidato, yung mga Senador na tumatakbo, ay talagang mahirap ng hanapin but having said that we will continue with this investigation at yun nga nanawagan ako na ang da best nito na lahat tayo ay magbantay.

Anchorman: Pahabol Sen. Imee. Ang sabi mo wise decision ni Pang. Duterte na hindi pinayagan ang suspensyon ng excise tax. So ibig sabihin babalikatin na lamang ba natin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Papaano naman ang mga (manggagawa) na maliit lang ang sweldo?  

SIRM: Yes, ito nga maraming nagulat kasi bakit daw hindi babawasan ang excise tax? Hindi ko naman sinasabi na wag tanggalin ang excise tax kundi gawin natin ang pinakamabibilis, unang-una yung mga subsidy na nasa batas, hindi pa narirelease yung sa transport sector, hindi pa kumpleto ang pagre-release. Medyo na-SLR(Sorry Late Reply) yung mga gasolina at ibang subsidy for agricultural sector. Dapat paspasan natin ang mga subsidy na yan. Nagpapasalamat tayo sa 200 pesos na napakaliit, cg na lang tiis na lang, for the meantime, pwede na rin! Ngayon ano ang magagawa, I think we review the excise tax structure pero kung babawasan natin o tatanggalin natin ng buong buo, sobrang laki nun, P112B, parang badyet lang ito ng bahay e. Pag ibinili mo ng lahat ng gasolina wala ka namang pambili ng pagkain e patay ka din. So, medyo ingat-ingat tayo, baka mawipe out naman ang pambili natin ng COVID-19 vaccines, yung treatment medicines, nang subsidies to other essential items. So, nakakatakot kasi pag ginulo ng ginulo ang tax parang yung nangyari dito sa pagkain, sa  baboy, at ngayon sa fisheries at saka sa sugar, nagkakagulo kasi, everything gets totally confuse. Ingat ingat lang tayo sa pag-mamaniobra nitong excise tax. Of course, I’m open to it, ireview ng maigi kayang kaya yang bawasan. Pero palagay ko mas targeted yung bigyan ng ayuda ung mga sector na talagang hirap, kapag nagbawas tayo ng buwis ang problema pati yung malalaki at dambuhalang corporation ay makikinabang. Ayaw natin yun kasi ang gusto natin magkaroon ng income  para sa ating mamamayan.

Anchorman: Sen. Imee, ang sabi mo nga ay patuloy mong inaasahan ang endorsement ni PRRD kay BBM.  Gaano ba kaimportante ito sa kandidatura ni Sen. Bongbong?

SIRM: Talagang importante yun, sinasabi na ang kapatid ko ay leading na leading, malaki daw ang majority, maliit na bagay na pero para sa amin, malaking bagay yun. Kahit papaano ang boto namin ay dito sa Luzon, samantalang ang endorsement ni Pres. Duterte ay para talaga sa Mindanao so malaking bagay talaga numerically but at the same time, sentimentally, hindi naman kami nawalay sa panig ng administrasyon, at kasama natin si Mayor Inday Sara, maganda san kung pati yung ama ay kasama na rin. Kung sabagay hindi naman sya nangangampanya sa iba. So, tanggapin na lamang natin yung timing ni Presidente Duterte at baka gusto nya na malaya na mamili ang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here