Truth, beauty, and goodness

FOR MOST of November, I was online talking to kids, teenagers mostly, of the role play writing community.

I felt the need for me to affect their “lost” online wanderings.

On December 1, 2020, I established The House of Peter on Facebook.

This is Part 2 of my Inaugural Speech, which started as “LOL: The Legacy of Love.”

*

Ano naman ang koneksyon ng Legacy of Love sa pagsusulat o pagiging artist at writer, sa pagiging creative?

Malaki, sobrang laki. Jumbo, mama!

Kasi ang mga tunay na obra maestra ng sining at literatura ay bunga lamang ng…Tunay na Pagmamahal.

*

Kung ang motibasyon at ang tukoy o hangarin mo lang ay pera at katanyagan (duda pa itong “katanyagan” dahil nakabase ito sa fans na madaling magsawa), merong kulang sa isinulat o gawa at likha mo. 

Wala itong Puso dahil nga pera at katanyagan ang pangunahing habol. 

Paano magkapuso ang mukhang pera, aber?

*

So, ano ba dapat ang hinabol ng manunulat, o ng makata?

E, di ‘yong hindi maabot! 

Si Crush na hindi namamansin. 

‘Yong mga di maabot na ideyal ng Kagandahan (Beauty), Katotohanan (Truth), at Kabutihan (Goodness).

*

Hindi nga ako kilala o popular na manunulat, pero hinahamon ko kayong tuklasin ang mga gawa ko. Lalo na ang mga nanalo sa Palanca Awards, at ‘yong mga libro ko.

Bakit sila pinarangalan? Bakit sila nailimbag?

Dahil naroon ang Ganda, Katotohanan, at Kabutihan!

*

Wala pa akong nakatagpong mambabasa na nagsabing pangit, o sinungaling, o masama ang isinulat ko. 

Kung meron, sasampalin ko talaga ng malalapad na medalya ng Palanca!

*

I hope nakikita rin sa mga FB posts ko ang ganda at sining ng paghahabi ng mga tamang salita; ang sense of truthfulness, sincerity at honesty; at ang nananaig na pag-ibig at pagmamahal sa kabila ng brusko, walang patawad, medyo bastos, at mukhang walang-galang na mga salita.

*

Sumusulat ako at naglilikha hindi para suyuin lang kayo (part din kasi ‘yang pagsuyo ng readers), kundi para maging tining, maging masayang boses, maging totoong boses sa mundong maingay, mabilis, malandi, maharot, makasarili, at walang pakialam sa kapwa.

Kung fans o followers lang ang tingin sa inyo ng iba, paano n’yo naging “kapwa” tao sila? 

Di ba, diyos/a sila, at alipin lamang kayong sunud-sunuran?

*

Hindi ko hangad ang pera o papuri ninyo. 

Pero bakit ako mag-aaksaya ng panahon sa inyo na wala namang magjojowa talaga sa akin?

Dahil mahal ko kayo! 

At ayokong mag-give up sa mga tarantado/a, suplado/a, feelingero/a na katulad ninyo. (S’yempre, kasama na rin doon ang mga mababait at pa-virgin.)

Mahal ko kayong lahat!

Not in a romantic or erotic way, pero ‘yong pagmamahal sa kapwa, sa isang tao, sa nilalang na may ganda ng espiritu at diwa.

I love the inner Beauty, the original Goodness, the personal Truth in you.

*

Mamahalin ko kayo kahit hindi ninyo ako mahal, kahit traidorin ninyo ako, kahit pagtaksilan, saktan, gahasain (pakisarapan naman, please!), ichismiz na pedophile, libakin na matandang bading, kulang sa pansin, impostor, hambog, malandi at maharot, at kung anu-ano pang mga patutsada na bunga ng katangahan at kabobohan.

Hindi kasi iyon ang nakikita kong posibilidad ninyo.

Nakikita ko ang ganda, pagkatotoo at kabutihan ninyo sa likod ng mga defense mechanisms.

(O, bakit naman kayo masasaktan kung hindi ninyo ako pinag-isipan ng masama?)

*

Kasi nga, kung magmamahal, dapat handa kang masaktan at masugatan. 

Handa kang hindi pansinin at iwanan kahit pa sa Facebook lang. Handa kang tapak-tapakan na parang doormat.

Gamitin na parang basahan. (Wow, naman, boys, tissue paper naman! Pucha, basahan? Eww!)

*

This essay, my inaugural speech for The House of Peter (on Facebook), will continue as “Three Lovely Emojis.” (To be continued/PN)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here