Writing in the 21st Century, Part 3

THIS CONCLUDES the essay about my newfound celebrity as an agent provocateur on Facebook.

I after all my vocal critiques of DepEd’s faulty modules, and call for academic freeze; 

After all my involvement with Wattpad as I try to write a novel in November;

And after all the craziness on Facebook, I have remained, the quintessential writer writerly responding to the needs of the 21stcentury.

Here’s me: 

*

To whom much is given, much is expected.

Bigay ni God sa akin ang 1,000+ friend requests.

Bigay ni God ang documented experiences ko, ang mga FB memories of travels, memories of achievements, mga posts na nagpapakita na mabuting tao ako maangas at medyo bastos, pero mabuti at marangal, may integridad at may tunay na galing at talino.

Bigay ni God ang strong and logical insights sa mga nangyayari around us — through this COVID, through these natural (typhoon) and man-made (DepEd) calamities.

*

God wants me to make meaning of all these.

So again, let’s try: Inilabas ng Facebook ang proofs that I am a successful and happy person para may weight naman ang sasabihin ko.

My new friends, this younger crowd, mostly look up to me because they have heard of me or read about me (o kung hindi pa sila kumbinsido roon, they can just stalk me on Facebook, or Google “Peter Solis Nery” #petersolisnery to see that I am who I say that I am).

*

If they are smart, makikita rin nila na mabait, mapagmahal, at masayahing tao ako — mukha/tunog galit pero tunay na patawa. Ganda ng sense of humor!

Alam din nila na marupok ako (katulad nila), pero sige sila sa #PSNLangMalakas.

I try to be strong for them, kaya pinanindigan ko na!

*

Pinagtagpo kami ng tadhana at this particular moment in history kaya itodo ko na ito.

I’m sure, iiwanan din nila ako, o ididi-delete ko rin sila sa buhay ko. (Itinadhana, pinagtagpo, pero hindi nagkatuluyan.)

But for now, I want to be there for them, to make them happy kahit sa simpleng pagtanggap ng kanilang friend requests.

*

At habang sariwa pa ang relasyon, sasabihin ko ang mga gusto kong sabihin; para ‘pag nagkaiwanan, wala akong pagsisisihan o panghihinayangan.

Halimbawa, sasabihin ko: Kalidad ng pagkatao, integridad, prinsipyo, at kahusayan ang batayan o standard ng isang “magaling” na manunulat.

Hindi ito tungkol sa paramihan ng fans, o followers.

O pabilisan ng gawa, o paramihan ng naisulat.

Hindi rin ito tungkol sa mga awards at pagkilala.

Hindi rin ito tungkol sa pera.

*

Iba ang “magaling” na manunulat kaysa sa “matagumpay” na manunulat.

Ang matagumpay, maaaring magkapera, magkaawards, makarami ng naisulat, makarami ng fans.

Pero marami rin kasing nagsacrificio ng kanilang pagkatao (integridad, prinsipyo, kahit pa ng kahusayan at talino) para lang magtagumpay.

*

Walang duda, magtatagumpay ang tagasulat ng pornograpiya at kalaswaan.

Maraming parokyano at tagataguyod ang sex. Sex sells!

Pero sa anong integridad? Anong prinsipyo, maliban sa pera at katanyagan?             

What does it profit the writer to gain the world if s/he loses her/himself? (Bible quote ‘yan, ‘wag kang tanga.)

*

At this point, kalahati sa inyo have left the room.

Good riddance! Unfriend n’yo na rin ako at nang mabawasan ang friends list ko.

You always have the option to unfollow me.

Makitid ang daan ng matuwid.

And I’m happy to take the road less travelled. (Pero sana may jowa!)

*

Gusto ko rin ng likes, heart reacts, and shares.

Kinikilig din ako kapag medyo umaabot na sa viral levels.

Sumasaya rin ako sa mga positive comments.

Tao lang naman ako. (Gusto ko rin ng jowa!)

Pero always, ang nananaig sa akin: Be the voice of reason and truth. Be the voice of God. Be the voice God’s people.

Be the great writer that you are called to be!

Inspire many, and do not seek fame.

If the world will not give you fame (and jowa), rest in joy knowing that you are Loved, with a capital letter L. 

*

Bakit kaya kong magmahal ng marami? Ng 5,000 friends, at mahalin sila ng isa-isa?

Because the source of my Love is not of this world.

Sana’y ma-enjoy n’yo rin at mapamahagi ang Love pareho ng Love na dumadaan, nararamdaman, at dumadaloy sa pagkatao ko.

I love you all. Please stay safe. God bless us!/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here